“Abroad” ay Hindi Palagi Nangangahulugan “Mayamang Bansa”

Isa sa maling akala ng mga Pilipino na nasa Pilipinas, at na hindi kailanman lumabas ng kanilang bayan (o baka ng kanilang barangay), ay na basta sasakay ang isa ng eroplano at kahit saan pupunta siya para magtrabaho ay magiging sanhi na yayaman siya.

Hindi lahat ng mga bansa kung saan puti ang kulay ng balat ng mga tao ay America at hindi lahat ng mga puti ay “Amerikano”.

Ang isang kaibigan ko na tumakas mula sa dating Yugoslavia, dahil sa digmaan, ay lumipat sa Italya 20 taon ang nakalipas at nag-asawa siya ng isang Pilipina dito sa Italya.

Noong nagbakasyon siya sa Pilipinas marami ang humiling ng pera sa kanya dahil inisip nila na siya ay “si Joe ang Amerikano” samantala ang totoo ay na galing siya sa isang bansa kung saan mas mahirap pa ang kalagayan kaysa sa Pilipinas mismo.

Ang isang Pilipina na kilala ko naman ay nagtrabaho nang 3 taon sa Saudi Arabia at sa loob ng 3 taong iyon nakalabas lang siya ng bahay ng amo nang 2 beses, na para bang bilanggo siya sa bahay ng amo.

Sa palagay ko mas mabuti maging squatter sa Tondo kaysa sumakay ng eroplano para pumunta sa ilang mga bansa kung saan ang situwasyon ay mas mahirap pa kaysa sa Pilipinas.

Dito sa Europe may mga bansa (gaya ng Gresya, Cyprus etc.) kung saan karamihan ng mga tao na taga-roon, na medyo bata pa, ay lumilipat sa ibang bansa para magtrabaho, pero may mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ganitong mga lugar.

Sa palagay ko, maliban ang isang Pinoy ay may pagkakataon na lumipat sa Northern Europe (o kahit Northern Italy), North America o Australia, mas mabuti tiyakin niyang mabuti kung kumusta talaga ang kalagayan sa isang bansa na may plano niyang puntahan para maiwasan ang masamang “sorpresa”……palagay ko lang

2 thoughts on ““Abroad” ay Hindi Palagi Nangangahulugan “Mayamang Bansa”

  1. sa tv kasi ay lalo na yung mga ipinakita na hollywood ay iisipan talaga na mayaman si joe… at karamihan sa mga pilipino ay hindi nagbabasa ng mga international news or kahit ano pang current events…

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s