Talaga bang Bahala-na si Bathala?

Una sa lahat nais kong sabihin na ang blog ko ay hindi upang ipakipag-usap ang tungkol kay Bathala.

Ang totoong pokus ko dito ay kung paano magkaroon ng isang matagumpay na relasyon sa pagitan ng isang Foreigner at isang Pilipina.

Ngunit interesado ako sa kung papaano nangangatuwiran ang mga Pilipino dahil Pilipina ang asawa ko at nabubuhay ako araw-araw kasama ng Pinoy mentality, kaya gusto ko rin i-share ang aking personal na pananaw tungkol sa kasabihang Bahala-na si Bathala.

Una sa lahat kailangang liwanagin kung sino ang Bathala na tinutukoy sa pananalitang ito dahil, kung, halimbawa, ang Bathalang iyon ay ang Krystianong Bathala ang alam ko ay na maraming ibinibigay na babala ang Bathalang iyon.

Ngayon, kung sa kabila ng mga babala ni Bathala ay binabale-wala ng tao ang babala ni Bathala, nagiging medyo maling akala na bahala si Bathala sa masamang resulta na idinudulot ng pagwawalang-bahala ng tao sa mga babala ni Bathala.

Isang halimbawa lang: ang alam ko ay na si Bathala ay nagbibigay ng babala tungkol sa labis ng pag-iinom ng alak. Syempre naman hindi ko sinasabi na binabale-wala ng mga Pilipino iyon dahil alam ko mabuti na hindi naman marami ang iniinom ng mga Pilipino kundi kaunti-container lang…..at inuulit ko lang…..

Pero kung sakali ang ilan sa kabila ng babala ni Bathala tungkol sa labis ng konsumo ng alak ay binabale-wala nila ang ganitong babala makatuwiran bang asahan nila na bahala-na si Bathala?

Kaya ang punto ko ay na kung talagang bahala-na si Bathala sa bawat situwasyon wala sanang ibinibigay na babala si Bathala ‘di ba?

Kaunting personal reflection bilang pampatunaw……

Ang isang babala ni Bathala

2 thoughts on “Talaga bang Bahala-na si Bathala?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s