Magandang Umaga mula sa Hapon!

Sa Pilipinas nakilala ko ang isang dalaga na talagang magaling.

Nagtrabaho siya bilang katulong sa bahay ng byenang ko habang nag-aaral siya sa kolehyo para maging engineer.

Humanga ako sa kanyang determinasyon dahil, bagaman galing siya sa isang pamilya na talagang mahirap at wala siya kahit anong pinansyal na suporta, nagtagumpay siya.

Ayaw niya talaga maging OFW sa ibang bansa. Alam ba ninyo yung type na “better off starving dito sa Pilipinas than maging dayuhan”? Sa madaling salita siya ay ang sukdulan ng Pinoy pride.

Naging engineer siya at ngayon nagtratrabaho siya bilang researcher at, dahil dito, naglalakbay siya sa maraming bansa, hindi bilang OFW kundi bilang researcher na inaanyayahan sa conference dito at conference doon.

At, sa dami ng mga bansa kung saan nakarating siya nakarating din siya sa Hapon.

Isang umaga nakita ko ang kanyang fb post mula sa Hapon kung saan nakasulat “good morning”.

Magandang umaga mula sa Hapon!?!?!?!?!

May umaga ba sa Hapon?

Hindi ba supposed to be ang isang lugar kung saan puro hapon ang mayroon?

Well, ito ay biro lang….

Pero, speaking of Japan, nakikita ko sa mga statistics ng blog ko na marami akong tagabasa mula sa Hapon….mga Pilipino siguro.

Bweno, gusto ko silang pasalamatan at ipadala sa kanila ang aking mga mainit na pagbati.

Magandang hapon mga Hapones!

P.s. actually umaga pa lang dito, pero hindi ako maganda sa umaga…at wala yata umaga sa Hapon…

3 thoughts on “Magandang Umaga mula sa Hapon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s