Huwag Mataranta!

Mula noong lumampas ako ng edad ng kwarenta nagsimula akong medyo matarenta.

Mukhang ang aking isip ay hindi na sariwa katulad dati at kung minsan medyo natataranta ako.

At ang lalaki na natataranta ay medyo nakakainis sa isang Pilipina na gusto ng taong mabilis mag-isip at magdesisyon.

Kung minsan ang dating sa mga Pilipino ay na natataranta ako dahil talagang natataranta ako….dulot yata ng pagtanda

Pero may pagkakataon na hindi naman pagkataranta ang nasa likod ng aking pag-aatubili sa ilang mga situwasyon.

Kung minsan, bagaman ang dating sa asawa ko at sa ibang Pilipino ay pagkataranta ang totoo nangyayari ay na sobrang gusto kong unahin ang gusto ng iba at hindi ako makapagdesisyon kaagad dahil gusto kong tiyakin na masaya sila sa aking desisyon.

Halimbawa, kung sinasabi sa akin ng misis ko “kunin mo ang isang bag at umalis tayo” at ako ay mukhang natataranta at hindi makapagdesisyon kaagad kung aling bag ang kukunin ko, ito ay dahil gusto kong tiyakin na ang kukunin kong bag ay ang isa na gusto niya.

May pagkakataon naman na ang dating sa iba ay na natataranta ako kapag sobrang excited ako.

Kapag nangyari ito sobrang excited ako at mukhang natataranta ako.

Muli, hindi pagkataranta iyon kundi excitement.

Alam ninyo siguro ang song “kumusta, kumusta, kumusta, kumusta kayong lahat…”.

Binago ko iyon at naging iyon “tara na tara na tara na, tara na tayong lahat, ako ay natataranta at nagmamadali”….

Pero, sa totoo, mas mabuti maging desidido at deretso sa bawat situwasyon, lalo na ang isang lalaking may asawa (para hindi maging sawa ang asawa)

Kamakailan nasumpungan ko sa aking feed ang isang post ng isang Pinoy na blogger tungkol sa kahalagahan ng pagiging lagi desidido ang asawang lalaki sa bawat situwasyon.

Heto ang link https://wp.me/p9OUUC-yq

Ang awtor ng blog na iyon ay isang padre-de-pamilya na ang tanging hanapbuhay niya ay ang writing at talagang mahusay siya.

Ang natutuhan ko ay na, bagaman lumampas ako ng edad ng kwarenta (medyo matagal na sa totoo…53 na ako), hindi ito katuwiran para matarenta.

Huwag mataranta!

12 thoughts on “Huwag Mataranta!

    1. I am in my head too…it has been said that introversion is key in becoming a good extrovert and that eventually introversion and extroversion go full circle and turn into each other….but it hasn’t happened yet in my personal experience and my head is often above the clouds

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s