Kung Bakit Hindi Dapat Pulutan ang mga Aso

Una sa lahat nais kong sabihin na inililipat ko ang aking mga post tungkol sa Pilipinas at sa wikang Tagalog sa ibang blog (www.filipitaly.com) at iyon ang magiging pangunahing pokus ko.

Dito sa blog na ito karamihan na naging follower ay hindi naman Pilipino o interesado sa kulturang Pinoy. Halimbawa sa ilang mga post ko tungkol sa wikang Tagalog may mga naglike na taga-India o ibang bansa kung saan walang Pinoy, kaya maliwanag na naglilike lang sila dahil naghahanap sila ng mga follower para sa kanilang blog at hindi talagang binabasa nila ang mga post.

Ang aking pangunahing layunin ay gumawa ng blog tungkol sa aking karanasan bilang asawa ng isang Pilipina at tungkol sa aking pangmalas tungkol sa kulturang Pinoy at sa aking natutuhan tungkol sa wikang Tagalog.

Itong blog na ito ay mananatili (yata) pero ang ilalagay ko lang dito ay mga bagay na walang kinalaman sa Pilipinas, kaya sinumang Pinoy na interesado sa isinusulat ko pakitingnan ang kabilang site ko (works in progress pa lang).

Ok, ngayon pag-usapan natin ang mga aso.

Ito ang dating aso ko:

Ito ang bagong aso ko (patay na ang dating aso):

Ang aking tanong ay: yamang ang mga aso ay ganitong ka-cute, sino ang may lakas ng loob para pulutan ang ganitong ka-cute na nilalang?

Maliwanag na sa Pilipinas mayroon ang ilan na may ganitong lakas ng loob.

Noong 2009 nagbakasyon ako sa isang bayang malapit sa Vigan, kung saan supposed to be vigan ang mga tao, ngunit kain nang kain sila ng karne at….paborito ng ilan ang…aso.

Hangga’t maaari iniwasan ko ang karne, kahit anong uri. Ngunit kung ako ay panauhin sa bahay ng iba hindi pwede tumanggi ng kung ano ang inaalok.

At, syempre, sa bahay ng mga Pinoy may karne day in and day out.

Doon sa bahay kung saan tumuloy ako nakita ko na sa unang araw apat ang mga aso.

Sa ikalawang araw ay naging tatlo.

Sa ikatlong araw wala na ang mga aso.

Nasaan? Sa kaldero.

Sabi nila sa akin: “baka iyan”. Hindi pala baka….

Nakikita ko na tumatawa sila habang kumakain ako kaya posible na ang mga aso na nawala ay talagang nasa pinggan.

Hindi ko alam kung niloko ako o talagang pinakain ako ng aso.

Ang masasabi ko lang ay na sobrang cute ang mga aso at, kahit kung minsan balacute sila, hindi pinupulutan ang mga aso…

Sa itong maliit na bayan sa Ilocandia kumain ako ng aso

13 thoughts on “Kung Bakit Hindi Dapat Pulutan ang mga Aso

  1. Pinatawa mo na naman ako, Ed! 😅🤣 Usually sa lugar na mababa ang tempertura, yon, may kumakain ng aso🐕 doon, kasi papainit daw ng katawan. Kahit sa provincia namin sa Mindanao, mayroon rin kumakain ng aso. Kaso, maybabala raw pag kumain ka ng karneng nito.🦮 Tatahol yong mga aso sa iyo pag malapit ka sa kanila.🐶🐮🐶🐮🐶

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s