Ano ang Gamot para sa “Tanga”?

Isa sa mga salita na lagi naririnig ko mula sa mga Pilipino ay ang salitang “tanga”.

Isa sa mga kalagayan kung saan naririnig ko ang salitang ito ay kapag nagmamaneho dito sa Italya ang ilang mga Pilipino: sabi nila daw na “tanga” ang mga dryber dito.

Ako ay mahilig mag-hukay para malaman ang etimolohya at ang iba’t ibang mga kahulugan ng isang salita (sinubukan ko rin mag-hukay para hanapin ang pera pero wala akong nakita…).

At bilang taga-hukay, nag-hukay ako para matuklasan ang iba’t ibang mga kahulugan ng salitang “tanga” at ito ang nakita ko:

https://brainly.ph/question/473471
Ang ibig sabihin niyan ay:

1. mahina ang pag-iisip (slow-witted)

2. mapaniwalain, madaling maloko o maisahan (gullible)

3. mangmang, b o b o (s t u p i d, d u m b, i d i o t)

4. tunggak, taong isip-bata, kulang-kulang, (m o r o n, imbecile)

5. hangal, sira ang bait (f o o l)

6. walang karanasan, hindi bihasa (simple-minded)

Kung tungkol sa unang kahulugan wala akong masasabi.

Hindi ako doktor kaya wala akong solusyon para sa mga taong mahina ang pag-iisip.

Ayon sa binasa ko sa blog ng isang fellow blogger https://pinoytransplant.com/2020/07/16/hugot-lines-sa-doctors-office/ wala daw gamot para sa tanga (at least kung ang tinutukoy natin ay ang unang kahulugan ng salitang “tanga”).

Kung tungkol sa ikalawang kahulugan ng salita, mayroon actually pag-asa dahil ang isang taong “mapaniwalain, madaling maloko o maisahan (gullible)” ay may magagawa.

Ang pag-asa ng ikalawang uri ng “tanga ” ay kung susundin niya ang payo ng isa pang ka-blogger ko, isang Pinay na nasa Singapore.

Ito ang link sa kanyang post https://wp.me/pc5Viv-7k.

Ang kanyang “gamot” para sa “tanga”, sa diwa ng isa na “mapaniwalain” at madaling naniniwala sa bawat uri ng “katangahan”, ay: stop buying into “katangahan”.

Ganitong ka-simple talaga!

Kaya, bilang konklusyon, may mga uri ng tanga na mukhang walang gamot para sa kanila (hindi ako doktor pero, yamang doktor si Doktor Hugot, dapat maniwala sa kanya).

Pero kung naghuhukay tayo sa ibang mga kahulugan ng salitang “tanga” mayroon ang ibang kategorya na para sa kanila ay mayroon gamot at pag-asa.

Maganda talaga mag-hukay para masumpungan ang iba’t ibang mga kahulugan ng isang salita.

Kung alam ninyo kung saan pwede akong mag-hukay para masumpungan ang pera, sabihin ninyo sa akin….

P.s. works in progress pa lang ang bagong website ko. Tapos na ang bakasyon ko at trabaho na naman kaya medyo long-term project iyon….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s