Tagay tagay sa Tagaytay

Ang gusto ko sana makita sa Pilipinas ay maraming island, ngunit ang karamihan ng mga lugar na pinuntahan ko ay bulubunduking mga lugar.

Nakarating naman ako sa dagat pero 90% ng nakita ko ay mga burol o bundok.

Minsan pumunta kami sa parteng Cavite, Batangas at Laguna at dapat sana dumaan kami sa Matabungkay at Mabini, ngunit binago ng mga kasama ko ang ruta at dinala ako sa Tagaytay.

Ikinwento ko ang nangyari sa ilan mga lalaking Pilipino at sinabi nila sa akin: “maganda ang Tagaytay, malamig ang klima, masarap mag-shot shot”.

Pareho ang sinabi sa akin sa Baguio: “malamig ang klima dito, masarap mag-shot shot”.

At pareho din ang sinabi sa akin ng isang Pinoy dito sa Italya nang tanungin ko siya kung bakit maraming Pilipino dito ay mahilig sa snow at gusto nilang pumunta sa mga mataas na bundok dito malapit sa Roma: “malamig ang klima, masarap mag-shot shot”.

Saan kaya nagmumula ang pangalang “Tagaytay”?

Baka, dahil malamig (daw… actually napakainit noong pumunta ako) ang klima at masarap mag-shot shot, ang etimolohya ng pangalan ay ang lugar kung saan masarap mag-tagay tagay.

Bweno, maliwanag na ito ay biro lang.

Pero dito sa probinsya ng Roma mayroon ang isang lugar na halos gaya ng Tagaytay: ang lugar ay tinatawag na Lago di Vico.

Ang lawang iyon ay nasa loob ng crater ng isang bulkan (dead volcano) at sa loob ng crater ay mayroon ang isa pang bundok kung saan may crater sa ibabaw nito (dead volcano din iyon, pero dead or alive bulkan pa rin…).

Ang interesting tungkol sa lugar na iyon, bukod na may malaking pagkakatulad siya sa Lake Taal, ay na 500 meters above sea level iyon at, kahit summer na summer sa Roma, malamig doon sa lake at, syempre naman,……masarap mag-shot shot….

Lago di Vico: ang Lake Taal ng Roma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s