Foreigner na Nakapag-sasalita ng Tagalog….sa Pilipinas

Ako ay ang isang foreigner na may asawang Pilipina at marunong akong magsalita ng Tagalog.

Ang Tagalog ay hindi naman itinuro sa akin ng misis ko kundi nag-aral ako… at nag-aaral pa ako.

Ang napansin ko, bilang foreigner na nakapag-sasalita ng Tagalog, ay na, kapag naririnig ng mga Pilipino ang isang foreigner na marunong mag-Tagalog, lahat ng mga pinto (at bote….) ay bukas.

Halimbawa, minsan dumating ako sa gate ng NAIA Airport na may dalang 2 bag at ang isang gitara.

Sa buong mundo ang pwede lang dalhin sa cabin ng eroplano ay isang bag lang. Ako ay may dalawang bag at ang gitara….

Dahil dito, sinabi sa akin ng masigasig na empleyado ng airport: “Sorry sir, you are only allowed to carry one bag in the cabin”.

Sumagot ako sa Tagalog: “uh, ganoong ba?, ‘di ko po alam iyon sir”

Sinabi niya sa akin: “sir you speak my language?”

Sabi ko: “oo sir, nakapag-sasalita ako ng Tagalog, kumakain ako ng adobo, dinakdakan, balun balunan, patis….at umiinom ako ng Red Horse”

Nagulat siya.

Sabi ko: “pasensya, ‘di ko po talaga alam na ang pinahihintulutan lang ay isang bag”

Sumagot siya: “no problem sir”.

Nakalusot ako!

Sa totoo mayroon kaunting problema….

Walang problema sa Pilipinas pero…

Sa aking stopover sa Saudi Arabia pinagalitan ako ng Arabo na nasa counter at, syempre naman, hindi Pilipinas ang Saudi: lahat ay pwede sa Pilipinas….pero sa Saudi…iba ang situwasyon at hindi yata lahat ay pwede. Pinuputol nila ang ulo ng tao….

Kaso…. Pilipina ang mga flight attendant at….nakalusot ako.

At, bukod sa nakalusot ako at pinahihintulutan ang 2 bag + gitara, sa buong flight nagkukuwentuhan ako sa mga Pinay na flight attendant (kaya lang masama ang tingin sa kanila ng mga flight attendant na Arabong lalaki) na mabait sa akin at lagi nagdadala ng kape sa akin (sa ibang passenger hindi, sa akin lang).

Kapag ang isang foreigner ay nakapag-sasalita ng Tagalog lahat ng mga pinto ay naka-bukas….

Hindi sana pwede kausapin si sundalong Macaraeg habang naka-duty siya…pero ako ay ako at marunong pa mag-Tagalog…

4 thoughts on “Foreigner na Nakapag-sasalita ng Tagalog….sa Pilipinas

  1. very personable ang approach mo so that makes sense. f/a ako dati sa Cathay Pacific nung bata/dalaga ako. iba talaga ang dating sa amin ang mabait and friendly na pasahero. 🙂 delightful read!

    Liked by 1 person

    1. Ang interesting sa Saudi Airlines ay na sa stopover sa Jeddah 99% ng mga tao sa airport ay Pilipino, 100% ng mga pasahero ay Pilipino at lahat ng f/a na babae ay Pilipina.
      Sa ibang airlines na nasubukan ko halo-halo ang mga tao…
      Hindi ko pa sinubukan ang Cathay… dahil baka “kinakatay” ang mga tao

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s