Sungyot: ang Pinakamagandang Island sa Buong Pilipinas!

Bilang asawa ng isang Pilipina natutuhan ko na para maging matagumpay ang pag-aasawa kailangan ang pakikipag-kompromiso.

Ibig sabihin, halimbawa, na kung ang asawa ko ay may ang isang ideya ng bakasyon at ako ay may ibang ideya, hindi ko pwede siyang pilitin na gawin ang gusto ko.

Ang aking ideya ng pag-uwi sa Pilipinas ay mag-dagat, samantala ang ideya ng misis ko ay mag-pahinga sa bahay at makita ang pamilya.

Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng malaking pribilehyo na makita ang pulo ng Sungyot, ang isang pambihirang lugar na nasa harap ng seacost ng La Union.

Ano ba ang espesyal tungkol sa Sungyot?
Virgin island iyon! Virgin island…

Mayroon akong mga kaibigan sa La Union na nagsabi sa akin: “ano ang gagawin mo sa Bulacan? Mamasyal ka sa amin: may dagat sa harap ng bahay namin at may virgin island pa!”

Syempre medyo exciting ang ideya na pumunta sa kanila at makita ang virgin island dahil sa San Ildefonso, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Plaridel etc walang virgin island at, honestly, medyo nagsawa ako doon.

Kaya, humingi ako ng pahintulot sa asawa ko na lumayo ako sa loob ng isang linggo (kapag may asawa ang number one rule ay lagi makipag-kompromiso at lagi maghanap ng win-win situation).

Sumakay ako ng bus mula sa Cubao patungong La Union at pagdating ko doon sinabi nila sa akin: “mabuti at nakapasyal ka sa amin, mamayang gabi maliligo tayo sa dagat at bukas pupunta tayo sa virgin island”.

Wow, sobrang excited ako dahil unang experience ko sa tropics iyon!

Pagdating ng gabi sabi nila: “maligo tayo sa pantalan”

Sabik na sabik ako na makita ang “pantalan”: dahil medyo bagong kasal ako at hindi pa masyadong marunong mag-Tagalog, hindi ko alam ang kahulugan ng salitang “pantalan”, akala ko pangalan ng isang white-sandy beach iyon, akala ko na ang pinupuntahan namin ay “Pantalan Beach”, ang isang uri ng “Boracay beach”.

Bweno, pagdating ko sa pantalan natutuhan ko ang kahulugan ng salitang “pantalan”….at least idinagdag ko ang isang bagong salita sa aking bokabularyo….Naligo ako sa “pantalan”

Sinabi nila sa akin: “huwag kang mag-alala, bukas dadalhin ka namin sa virgin island”

Okay, naging kontento ako na maligo sa pantalan for the time being habang hinihintay ko ang trip sa “virgin island”, ang island na tinatawag na Sungyot

Sa wakas dumating ang araw ng trip sa “virgin island” at….heto….Sa Sungyot…

Inisip ko: “baka ang virgin part ay nasa bandang likod”

Kaya inikot ko ang buong island taglay ang kasabikan ng isang explorer at, pagdating ko sa bandang likod, nakita ko na ang bandang likod ay, more or less, gaya ng bandang harap.

Pero mayroon ang isang antas ng katotohanan sa sinabi nila sa akin. Virgin island talaga iyon: mayroon iba’t ibang nakatambay sa beach na umiinom ng virgin…..

Maligayang pagdating sa Sungyot: ang pinakamagandang island sa buong Pilipinas!

9 thoughts on “Sungyot: ang Pinakamagandang Island sa Buong Pilipinas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s