Ang “Barok” na Pagsasalita ng mga Pilipino dito sa Italya

Baroque architecture sa Roma
Hindi gaano interesado ang mga Pilipino dito sa history at sa Baroque style….pero at least “barok” ang kanilang pagsasalita

Ang Bayan ng Roma ay kilalang-kilala bilang ang kabisera ng Baroque style.

Sa sentro ng Roma may maraming simbahan at gusali na “Baroque” ang istylo at, ayon sa ilan mga iskolar, ang kahulugan, o isa sa mga kahulugan, ng terminong ito ay may kinalaman sa di-regular na hugis ng mga perlas na medyo magaspang at hindi perpekto. Maraming mga gusali dito sa Roma ay may di-regular na hugis.

Ang isang halimbawa ay ang simbahan ng Sant’Agnese sa Piazza Navona kung saan ay may halo-halo ng malukong at matambok na hugis ang harap ng simbahan.

Noong bagong kasal ako madalas na narinig ko ang mga Pilipino na gumagamit ng salitang baroque at nagtaka ako dahil alam ko mabuti na hindi ganitong ka-interesado ang mga Pinoy sa arts at, dito sa Roma, bagaman may maraming historic na mga gusali, mas gusto ng mga Pilipino pumunta sa mga shopping mall, sa KFC, Mc Donalds o Burger King at medyo binabale-wala nila ang mga monumento na milyun-milyong mga turista na galing sa buong mundo ay sabik na sabik na makita.

Sa bagay, noong nasa Pilipinas ako, gusto ko sana makita ang historic na bahagi ng Maynila, na tinatawag na Intramuros, pero puro shopping malls ang pinuntahan namin.

Sa Baliuag, Bulacan mayroon ang isang Colonial Style na simbahan na dinaanan namin maraming beses, at na gusto ko sana makita, pero ayaw huminto ng dryber.

Sa kalaunan natuklasan ko na ang salitang baroque na ginagamit ng mga Pinoy ay walang kinalaman sa “sining” kundi sa “broken at non-standard” na pagsasalita ng ibang wika.

At, syempre, dito talagang nahihirapan ang mga Pinoy sa pagsasalita ng Italyano at sobrang barok ang kanilang pagsasalita.

Halimbawa, madalas ginagamit ng mga Pilipino ang inverter ay, na karaniwan sa Tagalog, kapag nagsasalita sila sa Italyano. Bukod dito ang f ay nagiging p at ang v ay nagiging b.

Ang nagiging resulta ay na ang isang pananalita katulad halimbawa “io devo fare…,” (“dapat akong gumawa ng……”) ay nagiging “io ay debo pare”.

Madalas na ginagamit ng mga Pilipino ang mag-, na karaniwang ginagamit sa Tagalog para bumuo ng mga pandiwa, at hinahalo nila ito sa mga pandiwa sa Italyano. Halimbawa ang Italyanong pandiwang “partire” (magbyahe) ay nagiging: “magpartire”.

Kaya, bagaman ang mga Pinoy dito ay wala kahit anong interes sa Baroque Architecture naging sila dalubhasa sa pagsasalita ng Barok Italian at talagang barok na barok ang pagsasalita nila.

Naintindihan ko na bising-bisi ang mga Pinoy dito, pero natuklasan ko na hindi kailangan ang malaking pagsisikap para pasulungin ang pagsasalita ng isang banyagang wika, sapat ang ilang minuto araw-araw. Tutal, bagaman sobrang abala ako sa dami ng ginagawa ko, kahit papaano natuto ako magsalita ng Tagalog……..kahit baka kung minsan medyo barok din ang Tagalog ko……..

Ang Luneta Park ng Maynila at ang Luneta Park ng Roma

Dito sa Roma mayroon ang isang malaking komunidad ng mga Pinoy at kumpleto dito sa mga Pinoy sari-sari store.

At, syempre naman, mayroon din dito ang aming bersyon ng Luneta kung saan may rebulto ni Jose Rizal.

At, aakalayin ba ninyo kung nasaan iyon? Sa Piazza Manila o Manila Square, malapit sa line A ng metro (Flaminio station).

Kaya, kung mamamasyal kayo sa Roma, huwag ninyong kalimutan na dumaan sa Luneta. Maraming Pinoy doon sa araw ng Linggo ay nagtitinda ng lahat ng uri ng Pinoy food at, dahil dito, ang rebulto ni Jose Rizal ay pinalilibutan ng maraming Jose Almusal na nagmemeryenda!.