Foreigner na may Balahibo sa Katawan vs Pilipinong Walang Balahibo

Ang mga lalaking Pinoy ay nagtataglay ng maraming bagay na wala sa aming mga foreigner, tulad halimbawa ang diskarte.

Pero maraming mga foreigner ay nagtataglay ng isang bagay na wala sa karamihan ng mga lalaking Pinoy: ang mga balahibo sa katawan!

Sa aking post https://italpinoy1967.com/2019/09/08/kung-bakit-takot-sa-akin-ang-mga-unggoy-sa-pilipinas/ ikinwento ko kung papaano nagulat ang mga unggoy sa Pilipinas, na nakatira sa gubat, noong nakita nila, for the first time sa kanilang buhay, ang lalaking may gubat sa katawan. Sanay kasi sila sa mga lalaking Pinoy (mga NPA yata na nagtatago sa gubat) na walang gubat sa katawan.

Alin kaya ang paborito ng mga babae: lalaking may gubat o lalaking walang gubat?

Nagresearch ako sa Google at nakita ko na may iba’t ibang mga teorya:

Sabi ng ilan na turn off daw ang mga balahibo sa katawan kaya dapat daw i-shave ang mga iyon.

Sa kabilang panig naman, sabi ng iba na kung iishave ang balahibo magiging masyadong magaspang ang balat.

Sinasabi ng iba naman na gusto ng mga babae ang taong may balahibo.

Kaya medyo nalilito ako sa dami ng conflicting theory.

Ang alam ko lang ay na ligtas ako kung gusto kong mamasyal sa gubat sa Pilipinas dahil ang mga mabangis na unggoy ay tumatakas sa akin (dito kasi ang mga unggoy ay nakikita lang sa zoo at sila ay mga kwan lang, ano, mga mabait lang, ano, samantala sa Pilipinas mayroon ang mga talagang unggoy-unggoy).

Bukod dito, dito sa Europa mayroon isang bagay na wala sa Pilipinas: sa pagitan ng tag-init at tag-lamig may tag-lagas ng mga dahon at nagiging kalbo ang mga puno (sa Pilipinas mayroon lang taglagas ng buko mula sa puno ng niyog…)

Taglagas ng mga dahon sa Italy
Unggoy sa gubat na takot sa taong may gubat sa katawan
Taglagas ng buhok sa ulo at tagsibol ng buhok sa katawan
Taglagas ng buko sa Pilipinas

Ganito rin ang nangyari sa akin: naranasan ko ang taglagas ng buhok sa ulo at, evidently, ang laman ng ulo ay lumipat sa katawan.

Alin kaya ang pinakamaganda at pinakagwapo?

Ang lalaking may gubat o ang lalaking walang gubat?

Mahalaga ba talaga?

Hindi siguro….

Kung Bakit Mabuting Asawa ang mga Italyano

Ako ay Italyano, marunong akong mag-Tagalog at Pilipina ang asawa ko.

Maganda ang Italya at masarap ang buhay ng mga Pilipina na may asawang Italyano at bihirang nagiging sawa sa isang Italyano ang asawang Pilipina ng isang Italyano.

Bakit? Dahil tapat na tao kami.

Ang dahilan kung bakit ang bansa namin ay tinatawag na Italy ay na dito kami ay may tali upang itali ang mga asawa namin sa aming puso at kapag nakatali na hindi na iiwanan.

Bweno, medyo nagbibiro ako…pero may punto at may kaunting katotohanan sa likod ng biro.

Itali ninyo ang inyong sarili sa isang Italyano at makakarating kayo sa pinakamagandang bansa sa mundo kung saan lagi (o halos lagi) sumisikat ang araw, masarap ang pagkain at…. maraming tao ay may kaunting….mana.

Magandang tanawin sa Italy
Magandang tanawin sa Italy
Magandang tanawin pa more sa Italy

Foreigner na Mahiyain at Pilipinang Mahilig sa Pakikihalubilo

Mahilig ako sa katahimikan
Mahilig ang mga Pilipino sa pakikihalubilo

Ang isa sa pinakamalaking mga hamon sa aking pag-aasawa, bilang foreign na asawa ng isang Pilipina, ay na ang misis ko ay galing sa isang kultura na mahilig sa maraming pakikisama at pakikihalubilo samantala ako ay mas mahilig sa pagbubukod sa sarili at medyo reserbado ako.

Pwede kayang gumana ang relasyon sa pagitan ng isang babae na mahilig sa maraming pakikisama at isang lalaki na mas mahiyain at hindi gaanong mahilig sa maraming pakikisama?

Heto ang ilang mga bentaha ng pagiging isang lalaki na mas mahilig sa pagbubukod ng sarili kaysa sa labis ng pakikihalubilo at kung gaano, sa totoo, kapaki-pakinabang ito sa pag-aasawa.

Pinahahalagan ng isang taong hindi masyadong mahilig sa labis ng pakikihalubilo ang pagkakaroon ng de-kalidad na mga relasyon

Kahit mahilig ako sa pagbubukod ng sarili hindi naman hermit ako: mayroon akong mga kaibigan, kaya lang, sa halip na magkaroon ng napakaraming mababaw na mga relasyon, mayroon akong kaunting mga kaibigan pero ang mga iyon ay de-kalidad na mga kaibigan.

Ang posibleng mangyari sa mga taong may labis na pakikisama (at least sa ilan sa kanila) at na may napakaraming mga mababaw na relasyon sila ay na madaling pinuputol nila ang relasyon sa isang kaibigan kung may kaunting di-pagkakaunawaan dahil, tutal, marami silang kaibigan at option.

Sa kabilang banda mas malaki ang posibilidad na ang mas reserbadong uri ng tao na mas mahilig sa pagkakaroon ng kaunting kaibigan ay gagawa ng lahat ng makakaya para maging matalik at de-kalidad ang kanyang mga relasyon at kung may problema lulutasin iyon imbes na tumakas at, bilang resulta, gagawa siya lahat ng paraan para maging matalik na kaibigan ang kanyang kabiyak at lutasin ang lahat ng uri ng hamon at problema.

Ang taong hindi masyadong mahilig sa labis ng pakikihalubilo ay nagbubukod ng sarili nang medyo madalas

at, sa palagay ko, ito ay isang malaking tulong para sa relasyon.

Ang regular na pagbubukod ng sarili ay nagpapahintulot sa akin na nagmuni-muni tungkol sa kung ano ang gumagana o hindi gumagana sa relasyon at bulay-bulayin kung papaano gumawa ng kinakailangang pagbabago

Mas mapayapa ang relasyon sa isang taong hindi masyadong mahilig sa pakikihalubilo

Bilang taong mahilig sa pagbubukod ng sarili komportable ako sa pag-iisa.

Sa pag-aasawa may mga situwasyon kung saan kailangang umalis at ibukod ang sarili, halimbawa kapag sobrang mainit ang ulo ng kabiyak at, syempre, dahil hindi problema para sa akin ang pag-iisa mas madali para sa akin lumayo mula sa misis ko kapag mainit ang situwasyon at hindi kapaki-pakinabang pilitin siya na makipag-usap.

At malaking tulong ito upang maging mapayapa ang relasyon.

So, para sa akin at batay sa aking karanasan, talagang kapaki-pakinabang kapag ang isang taong sobrang mahilig sa pakikihalubilo ay nagiging asawa ng isang taong mas mahilig sa katahimikan.

Kung Papaano Magtayo ng isang Tunay na “Tulay” sa Pag-aasawa sa Pagitan ng isang Foreigner at isang Pilipina

Ang mismong pamagat ng aking blog ay may kaugnayan sa ideya ng pagtatayo ng isang “tulay” sa pagitan ng dalawang lahi na, sa ilalim ng maraming aspekto, ay napakalayo.

Gaya ng binanggit ko sa isa sa unang mga post ko, ang aking ideya ay na bagaman mahalaga ang pagtatayo ng isang cultural na tulay (at syempre dahil nag-aaral ako ng Tagalog nagsusumikap naman ako na magtayo ng ganitong uri ng tulay at itinuturi kong ito napakaimportante), ang ideya ko ay na di-hamak na mas epektibo ang pagtatayo ng isang emosyonal na tulay.

Paano itinatayo ang isang emotional na tulay?

Minsan narinig ko ang isang napakagandang paliwanag na ang isang emosyonal na buklod ay itinatayo sa pamamagitan ng isang desisyon tungkol sa kung sino ang ating kabiyak at minsan ginawa natin ang desisyong ito hindi na muli dapat na kinukwestyon ang relasyon, kung sino ang ating kabiyak at ang kanyang mga motibo.

Sa madaling salita ibig nitong sabihin na para magkaroon ang isang tunay na emosyonal na tulay dapat lagi hiwalayin kung sino talaga ang ating kabiyak mula sa kung ano ang ginagawa niya o sinasabi niya dahil tayong lahat, lalo na kapag dumadaan tayo sa kaigtingan o sa ibang partikular na uri ng kalagayan, ay nagsasabi o gumagawa ng mga bagay na hindi talaga nagsasalamin ng kung sino talaga tayo at inaasahan natin na ang iba ay patuloy na magtiwala sa atin bilang tao at sa ating mga motibo.

Sa isang relasyon sa pagitan ng dalawang lahi napakaraming sinasabi o ginagawa ng foreign na partner ay hindi resulta ng kung sino siya bilang persona o ang kanyang panloob na pagkatao, kundi resulta ng mga kalagayan at ng kapaligiran kung saan siya lumaki, kaya napakaimportante ang paggawa ng isang minsanang desisyon: gusto ko bang magkaroon ng isang relasyon sa taong ito at magtiwala sa kanya sa kabila ng lahat ng mga nakakasakit na sitwasyon na maaaring bumangon dulot ng magkaibang kultura?

Sa aking relasyon sa isang Pilipina maraming bumabangon na sitwasyon kung saan ang ginagawa ng kasama ko sa buhay ay, kung minsan, malayong malayo sa aking kinagisnan at parehas din ang dating sa kanya ng maraming ugali ko.

Kaya ipinasya ko na itayo ang isang emosyonal na tulay at laging ipalaala sa aking sarili kung sino talaga ang kabiyak ko at kung bakit pinili ko siya.

Ito ay, sa palagay ko, ang pinakamatibay na uri na tulay na tiyak na hindi masisira.