Ang Aking Unang (Pambihirang) Bakasyon sa Pilipinas!

Sa araw ng aking pagdating sa Pilipinas

Matagal na gusto kong isulat ang post na ito pero ngayon lang ginagawa kong ito.

Actually ang gusto kong sabihin sa post na ito ay karapat-dapat sana nang isulat sa isang aklat, hindi basta sa isang blog post, dahil talagang pambihira ito.

Pero susubukan kong sabihin ito sa isang post.

Ang aking unang bakasyon sa Pilipinas, na ginanap noong 2008 (ang aking kasal ay ginanap noong 2004) ay naging ganito:

Sa araw ng flight lumabas kami ng bahay (kung saan puro Filipino ang nakatira…maliban sa akin) patungo sa airport ng Roma.

Pero, bago pumunta sa airport, dumaan kami sa bahay ng isang Pilipino dahil may despedida party (kung saan puro Pilipino ang mayroon).

Pagkatapos ng party ang isang Pilipino ang naghatid sa amin sa airport.

Pagdating sa airport ng Roma nakita ko na sa loob ng airport mayroon napakaraming Pilipino.

Dumating ang oras ng aming flight at doon sa gate halos lahat ng pumipila ay Pilipino!

Sumakay kami ng eroplano (Saudi Airlines) at Pilipina ang mga flight attendant!

Umupo kami at halos puro Pilipino ang mga pasahero!

Nag-stopover kami sa Jeddah at sa airport ng Jeddah halos puro Pilipino ang nandoon!

Muling sumakay kami ng eroplano patungong Rhyad at Pilipino na naman ang nandoon!

Sumakay kami ng ibang eroplano patungong Maynila at…. akalayin ninyo! Pilipina ang mga flight attendant at halos puro Pilipino ang mga pasahero!

Dumating kami sa airport ng Maynila: ang daming Pilipino!

Sa parking lot ng airport: ang daming Pilipino!

Dumating kami sa bayan ni misis sa Bulacan: ang daming Pilipino!

Gumugol ako ng isang buwan sa Pilipinas at halos wala akong nakita kundi Pilipino.

Sa huling araw ng aking bakasyon (nauna ako sa asawa ko dahil may trabaho ako…nanatili siya sa Pilipinas isa pang buwan) dinala ako sa airport ng isang Pilipino (tito ng asawa ko…) at, syempre naman, doon sa airport ng Maynila marami ang mga Pilipino!

Sumakay ako ng eroplano patungong Rhyad at Pilipina ang mga flight attendant at puro Pilipino ang mga pasahero.

Sa airport ng Rhyad naman halos puro Pilipino…

Pagdating ko sa Roma sumakay ako ng tren mula sa airport hanggang sa istasyon ng tren (main station ng Roma): maraming Pilipino sa tren at maraming Pilipino sa istasyon!

Mula sa istasyon sumakay ako ng subway patungo sa bahay: maraming Pilipino sa subway!

Pagdating ko sa bahay binati ako ng kapitbahay na… akalayin ninyo… Pilipina siya!

Bago naranasan ko ang unang bakasyon sa Pilipinas sumakay ako ng eroplano medyo maraming beses at nakarating ako sa maraming bansa.

Pero ang “travel abroad” na ito ay naging talagang kakaiba….

Pambihira talaga.

Mabuhay ang Pilipinas!

P.s.
Sa aking ikalawang bakasyon sa Pilipinas Korean Airlines ang sinakyan ko: kaunti lang ang mga Pilipino (mas normal na bakasyon iyan…. at mas na-feel ko na “trip abroad” iyon)

Foreigner na Nakapag-sasalita ng Tagalog….sa Pilipinas

Ako ay ang isang foreigner na may asawang Pilipina at marunong akong magsalita ng Tagalog.

Ang Tagalog ay hindi naman itinuro sa akin ng misis ko kundi nag-aral ako… at nag-aaral pa ako.

Ang napansin ko, bilang foreigner na nakapag-sasalita ng Tagalog, ay na, kapag naririnig ng mga Pilipino ang isang foreigner na marunong mag-Tagalog, lahat ng mga pinto (at bote….) ay bukas.

Halimbawa, minsan dumating ako sa gate ng NAIA Airport na may dalang 2 bag at ang isang gitara.

Sa buong mundo ang pwede lang dalhin sa cabin ng eroplano ay isang bag lang. Ako ay may dalawang bag at ang gitara….

Dahil dito, sinabi sa akin ng masigasig na empleyado ng airport: “Sorry sir, you are only allowed to carry one bag in the cabin”.

Sumagot ako sa Tagalog: “uh, ganoong ba?, ‘di ko po alam iyon sir”

Sinabi niya sa akin: “sir you speak my language?”

Sabi ko: “oo sir, nakapag-sasalita ako ng Tagalog, kumakain ako ng adobo, dinakdakan, balun balunan, patis….at umiinom ako ng Red Horse”

Nagulat siya.

Sabi ko: “pasensya, ‘di ko po talaga alam na ang pinahihintulutan lang ay isang bag”

Sumagot siya: “no problem sir”.

Nakalusot ako!

Sa totoo mayroon kaunting problema….

Walang problema sa Pilipinas pero…

Sa aking stopover sa Saudi Arabia pinagalitan ako ng Arabo na nasa counter at, syempre naman, hindi Pilipinas ang Saudi: lahat ay pwede sa Pilipinas….pero sa Saudi…iba ang situwasyon at hindi yata lahat ay pwede. Pinuputol nila ang ulo ng tao….

Kaso…. Pilipina ang mga flight attendant at….nakalusot ako.

At, bukod sa nakalusot ako at pinahihintulutan ang 2 bag + gitara, sa buong flight nagkukuwentuhan ako sa mga Pinay na flight attendant (kaya lang masama ang tingin sa kanila ng mga flight attendant na Arabong lalaki) na mabait sa akin at lagi nagdadala ng kape sa akin (sa ibang passenger hindi, sa akin lang).

Kapag ang isang foreigner ay nakapag-sasalita ng Tagalog lahat ng mga pinto ay naka-bukas….

Hindi sana pwede kausapin si sundalong Macaraeg habang naka-duty siya…pero ako ay ako at marunong pa mag-Tagalog…