Kailangan mo ba ng S.E.O. para maging n.1 sa search engine ang post mo?

Tatlong araw ang nakalipas naghanap ako ng impormasyon sa Google tungkol sa paksang “isang kahig isang tuka”, dahil dito sa blog na ito isinulat ko noon ang isang post tungkol dito, at gusto kong gawin ang isa pang post na mas mahaba ng kaunti tungkol sa mismong paksa para sa bagong blog ko http://www.filipitaly.com.

Dahil ang aking post tungkol sa “isang kahig isang tuka” na nasa blog na ito ay maikli lang, kailangan kong hanapin ang karagdagang impormasyon.

Kaya nag-Google ako at inilagay ko ang mga pananalitang “isang kahig isang tuka” sa search box.

Akalayin ninyo: ang unang post na lumitaw ay ang post ko!

Paano nangyari iyon?

Wala ako kahit anong alam tungkol sa SEO, HTML o kahit ano.

Hindi ko rin alam kung paano galawin ang mga settings ng site: sumusulat lang ako kung ano ang bumabangon sa isip.

Pero n.1 sa Google ang post ko (at hindi lang iyon, mayroon iba pang mga post ko sa unang mga posisyon).

Syempre naman n.1 sa search engine ay hindi nangangahulugang “sikat”: kung halimbawa isusulat ko ang isang post tungkol sa buhay ng lolo ko at pagkatapos i-reresearch ko iyon sa Google, tiyak na magiging n.1 iyon, dahil iyon lang ang mayroon sa buong internet….

Ako ay ang n.1 guwapong Italyano sa bahay ko….dahil ako lang ang Italyano sa bahay ko…

Pero tungkol sa paksang “isang kahig isang tuka”, at tungkol sa ibang mga paksa kung saan medyo mataas ang ranking ng mga post ko, mayroon naman sa web ang ibang mga post tungkol sa mga paksang iyon.

Paano kaya nangyari iyon?

Kung minsan may mga bagay na basta nangyayari

Halimbawa kamakailan naghapunan ako sa bahay ng isang kaibigan at napansin ko na bilog ang tiyan ng kanyang asawa.

Noong huli ko siyang nakita flat ang tiyan niya.

Tinanong ko: “ano ang nangyari? Bakit bilog ang tiyan ni misis?”

Sinabi niya: “buntis siya”

Tinanong ko: “paano nangyari iyon?”

Oo nga, paano nangyari iyon?????

May mga bagay na basta lang nangyayari at hindi mo alam kung papaano nangyayari….

Kaya kailangan ba ng mga SEO SEO at ang ibang kumplikadong mga bagay para lumitaw sa search engine ang isang post?

Baka oo, baka hindi.

Sa palagay ko buksan mo na lang ang isang lata ng Red Horse at isulat mo kung ano ang bumabangon sa isip at hayaan mangyari kung ano ang dapat mangyari….