Kung Papaano Iwasan ang Pakikipagtalo sa Pag-aasawa

Dahil itinuturing ko ang asawa ko bilang aking kasama sa banka ayoko makipagtalo

Ang dating sa akin bilang foreign na asawa ng isang Pilipina ay na ang mga Pilipino ay mas emosyonal ng kaunti kaysa sa mga tao na taga-Kanluran at, dahil dito, may maraming awayan at pakikipagtalo sa Pilipinas.

Sa loob ng pag-aasawa mas lalong nangyayari ang pakikipagtalo dahil magkaiba talaga ang lalaki at ang babae at, sa relasyon ko, magkaiba pa ang kultura. Kung minsan may buwanang dalaw pa ang asawang babae kaya talagang ‘di maiwasan ang pakikipagtalo.

Pero pwede itong bawasan.

Ang unang bagay na nakakatulong sa akin nang malaki na iwasang makipagtalo sa asawa ko ay na kami ay mga kasama sa isang makasagisag na banka o barko (relationship). Kaya kung ang relationship ay lumulubog walang saysay ang pakikipagtalo tungkol sa kung sino ang may kasalanan. Mas mabuti kung pareho ay nagsusumikap na ilabas ang banka sa panganib.

Pero kung minsan ang mga emosyon ay mas malakas kaysa sa mga mabuting intensyon.

Kapag gustong makipagtalo ang misis ko ang unang bagay na gusto ko sanang gawin ay lumabas sa bahay o pumunta sa isang tahimik na dako para matunaw ang mga matinding emosyon.

Subalit kung minsan hindi ito pwede at hindi ito praktikal.

Sa ganitong sitwasyon ang natutuhan ko ay na ang pinakamainam na pwede kong gawin ay basta makinig lang sa asawa ko, taglay ang empatya, sa halip na ipagtanggol ang sarili ko. Kung ang isa ay salita ng salita at ang iba ay nakikinig lang sa bandang huli matutunaw ang galit ng isa na nagsasalita, o, at least, malaki ang posibilidad na mangyayari iyon.

Pero kung minsan hindi rin pwede basta makinig dahil gusto ng misis ko ang isang paliwanag.

Sa ganitong sitwasyon kung sinabi o ginawa ko ang isang bagay na, sa palagay ko, ay hindi naman masama, o hindi ko ito ginawa taglay ang masamang intensyon, pero masakit ito sa misis ko, ang pinakapraktikal na pwede kong gawin ay humingi ng paumanhin hindi sa ginawa kong masama (kung talaga hindi masama ang ginawa ko) kundi sa dating sa asawa ko ng ginawa ko.

Pero, kung minsan, hindi rin ito uubra dahil parang inaakusahan ko ang misis ko na mali ang kanyang interpretasyon.

Kaya, kung minsan, imposibleng iwasan lahat ng uri ng pakikipagtalo pero pwedeng bawasan nang malaki ang mga ito.

Ang pakikipagtalo ay likas sa mga romantikong relasyon pero kung natatandaan natin na shipmate ang ating kabiyak gagawin natin lahat ng makakaya para magkaroon ng mapayapang relasyon.

Kung Papaano Harapin ang Asawang Babae na Mainit ang Ulo at may Buwanang Dalaw: the Ultimate Guide

Ang isa sa pinakamatinding mga hamon sa pag-aasawa ay kapag nagiging sobrang emosyonal ang kabiyak, lalo na ang babae na dumadaan sa delikadong yugto ng buwanang dalaw.

Sa aking dating mga post binanggit ko ang ilang mga ideya ko tungkol dito, ngunit sa ngayon nais kong gawin ang isang “nirebisang edisyon” ng mga post na iyon dahil binulay-bulay kong mabuti kung ano talaga ang naging susi para sa akin para lutasin ang gayong mga sitwasyon.

Minsan narinig ko mula sa isang relationship expert na kung patuloy na tinatrato natin nang may kabaitan ang isang tao na sobrang galit magiging imposible para sa taong iyon patuloy na ilabas ang galit at ang kanyang galit ay matutunaw.

Actually hindi ito ang isang bagong ideya dahil humigit-kumulang 2000 taon ang nakalipas isinulat sa Griegong Kasulatan “Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. Gawin kung ano ang mabuti sa pananaw ng lahat ng tao”.

At gaya ng sinasabi rin ng maraming dalubhasa sa relationship ang kakayahan na manatili kalmado at patuloy na magpakita ng kabaitan sa isang taong galit (hindi pala asawa lang kundi kahit ibang tao na mainit ang ulo) ay talaga ang pinakasusi para lutasin ang ganitong uri ng sitwasyon.

Sabi ng isang life coach na “success comes from counterintuitive moves” at walang duda na ang pagtugon nang may kabaitan sa isang taong galit ay counterintuitive, ngunit, kung tutuusin, ang tagumpay sa bawat aspekto ng buhay ay lagi resulta ng ano ang psychologically at emotionally counterintuitive, kailangan gawin kung ano ang ayaw gawin ng ating psyche para magtagumpay.

Sinabi ng Persian poet na si Rumi na “gusto ng bata kainin ang candy samantala gusto ng may-gulang ang pagpipigil sa sarili”. Kung gusto nating magtagumpay sa bawat situwasyon sa buhay kailangan nating iwasan ang emosyonal na “candy” at gawin kung ano ang hindi madali.

Halimbawa kung gusto natin maging malusog kailangang kainin ang pagkain na ayaw sana natin at iwasan maraming mga pagkain at inumin na gusto sana natin gaya ng kanin at baboy, ang labis ng soft drinks, alak etc., kung gusto nating abutin ang isang tungkuhin kailangang bawasan ang libangan at magpokus sa ating tungkuhin.

Totoo, para maging matagumpay ang buhay kailangan gawin ang kabaligtaran ng kung ano ang gusto sana nating gawin. Ito ay kumakapit sa pagkain, sa disiplina sa sarili sa halip na basta mag-Facebook at sa marami pang aspekto ng buhay.

Pagdating sa pag-aasawa ang gusto sana nating gawin kapag mainit ang ulo at may buwanang dalaw pa ang asawang babae ay itaas ang boses at magalit at ang ilan ay naglalasing pa, ngunit hindi iyon ang counterintuitive move.

Ang counterintuitive move ay gawin kung ano ang ayaw gawin ng ating psyche at ng ayaw gawin ng karamihan na gustong pumasok, gaya ng sinabi 2000 taon ang nakalipas, sa “maluwang na pintuang-daan at malapad na daang na papunta sa pagkapuksa, at marami ang pumapasok dito”.

Karamihan ng tao ay gustong gawin kung ano ang madali at sundin ang ginagawa ng ‘pulutong’ at, halimbawa, sumisigaw kapag ang kabiyak ay sumisigaw. Pero hindi iyon ang matalinong solusyon, ang madali ay kadalasan ang kabaligtaran ng matalino.

Kaya, batay sa aking karanasan, ang ultimate guide upang harapin ang matinding galit ay “huwag gumanti ng masama sa masama” dahil, kahit iyon ang madaling gawin at ang gusto sana nating gawin, tiyak na hindi iyon ang matalino at matagumpay na solusyon dahil “success comes from counterintuitive moves” o sa pagpasok na “makipot na daan”, sa pagpapakita ng mataas na psychological, emosyonal at espitituwal na mga pamantayan na ayaw ikapit ng karamihan.

Kung Bakit Walang Saysay ang Hinanakit

Sinabi ng isang sikat na sikologo na si Wayne Dyer na, kung minsan, hindi maiwasan na tayo ay kinakagat ng ahas ngunit hindi tayo mamamatay dahil sa kagat, ang pumapatay ay ang kamandag na patuloy na umaagos sa katawan natin. Kung inaalis natin ang kamandag wala tayong problema.

Bagaman may maraming ahas sa Pilipinas hindi ko nakita kahit isa, bagaman naglakad ako nang maraming beses sa mga bukid at sa gubat (baka pinulutan na sila ng mga tao), at hindi ko naranasan ang kagat ng ahas, subalit nararanasan ko ang “kagat” ng aking asawa nang “medyo” maraming beses, gaya ng karamihan ng mga tao na may asawa.

Sa pag-aasawa hindi talagang maiwasan na paminsan-minsan ay kinakagat ng mag-asawa ang isa’t isa, ngunit pwedeng iwasan na manatili sa ating loob ang “kamandag” o ang hinanakit.

Ibang magandang paliwanag na binasa ko minsan sa isang blog ay na, sa loob ng isang araw, ay mayroon 86,400 na mga segundo.

Kung kinakagat tayo ng ating asawa sa loob, halimbawa, ng 10 segundo, kapaki-pakinabang ba kung ginugugol natin ang natitirang 86,390 na mga segundo sa hinanakit? Hindi ba mas matalino kung gagamitin natin ang natitirang mga segundo sa mas kapaki-pakinabang na paraan?

Kung hinanakit ang pinipili natin, magiging tayo gaya ng isang tao na may 86,400 pesos sa pitaka at, dahil sa may nagnakaw sa kanya ng 10 pesos, umiinit ang kanyang ulo at itinatapon niya ang natitirang 86,390 pesos sa kanal o sa basurahan.

Ito ay kung ano ang nangyayari kung nagbibigay dako tayo sa hinanakit at ayaw natin magpatawad at kalimutan.

Sa loob ng isang araw mayroon 86,400 mahalagang mga segundo: huwag nating pahintulutan ang “kamandag” na sirain ang ating mahalagang oras, minuto at segundo.

Kung Papaano Magtayo ng isang Tunay na “Tulay” sa Pag-aasawa sa Pagitan ng isang Foreigner at isang Pilipina

Ang mismong pamagat ng aking blog ay may kaugnayan sa ideya ng pagtatayo ng isang “tulay” sa pagitan ng dalawang lahi na, sa ilalim ng maraming aspekto, ay napakalayo.

Gaya ng binanggit ko sa isa sa unang mga post ko, ang aking ideya ay na bagaman mahalaga ang pagtatayo ng isang cultural na tulay (at syempre dahil nag-aaral ako ng Tagalog nagsusumikap naman ako na magtayo ng ganitong uri ng tulay at itinuturi kong ito napakaimportante), ang ideya ko ay na di-hamak na mas epektibo ang pagtatayo ng isang emosyonal na tulay.

Paano itinatayo ang isang emotional na tulay?

Minsan narinig ko ang isang napakagandang paliwanag na ang isang emosyonal na buklod ay itinatayo sa pamamagitan ng isang desisyon tungkol sa kung sino ang ating kabiyak at minsan ginawa natin ang desisyong ito hindi na muli dapat na kinukwestyon ang relasyon, kung sino ang ating kabiyak at ang kanyang mga motibo.

Sa madaling salita ibig nitong sabihin na para magkaroon ang isang tunay na emosyonal na tulay dapat lagi hiwalayin kung sino talaga ang ating kabiyak mula sa kung ano ang ginagawa niya o sinasabi niya dahil tayong lahat, lalo na kapag dumadaan tayo sa kaigtingan o sa ibang partikular na uri ng kalagayan, ay nagsasabi o gumagawa ng mga bagay na hindi talaga nagsasalamin ng kung sino talaga tayo at inaasahan natin na ang iba ay patuloy na magtiwala sa atin bilang tao at sa ating mga motibo.

Sa isang relasyon sa pagitan ng dalawang lahi napakaraming sinasabi o ginagawa ng foreign na partner ay hindi resulta ng kung sino siya bilang persona o ang kanyang panloob na pagkatao, kundi resulta ng mga kalagayan at ng kapaligiran kung saan siya lumaki, kaya napakaimportante ang paggawa ng isang minsanang desisyon: gusto ko bang magkaroon ng isang relasyon sa taong ito at magtiwala sa kanya sa kabila ng lahat ng mga nakakasakit na sitwasyon na maaaring bumangon dulot ng magkaibang kultura?

Sa aking relasyon sa isang Pilipina maraming bumabangon na sitwasyon kung saan ang ginagawa ng kasama ko sa buhay ay, kung minsan, malayong malayo sa aking kinagisnan at parehas din ang dating sa kanya ng maraming ugali ko.

Kaya ipinasya ko na itayo ang isang emosyonal na tulay at laging ipalaala sa aking sarili kung sino talaga ang kabiyak ko at kung bakit pinili ko siya.

Ito ay, sa palagay ko, ang pinakamatibay na uri na tulay na tiyak na hindi masisira.