Kung Papaano Pwede Maging isang Ligtas na Dako ang Pag-aasawa

Nabubuhay tayong lahat sa isang mundo kung saan medyo mahirap magkaroon ng pagkadama na ligtas at tiwasay tayo.

Sa labas ng tahanan ay may maraming mga “lobo” wika nga at mga tao na medyo makasarili.

Kilala ko rin ang isang tao na ang kanyang apelydo ay Canlobo pero hindi siya lobo, mabait na tao iyon. Pero talagang marami ang mga lobo sa mundong ito (at mga Canlobo rin…lalo na sa parteng Batangas…).

Kaya napakaimportante na at least sa tahanan ay mayroon tayong kaunting kanlungan mula sa mga lobo na nasa labas at mula sa tinatawag na dog eat dog world.

Nais kong i-share ang ilang mga pamantayan na, sa palagay ko at least, nakakatulong sa amin na tamasahin kaunting kanlungan mula sa mga problema at kaigtingan na idinudulot ng mundo na nasa labas ng tahanan

Hangga’t maaari gumagawa ako ng aking makakaya para

makitungo sa asawa ko ayon sa kaunawaan

May mga tanong na tinatanong ko sa aking sarili gaya: gaano ko siyang kakilala? Ano ba talaga ang nalalaman ko tungkol sa background niya?
Ano ba talaga ang iniisip niya? Ano ang nakakainis sa kanya?

Ang salitang kaunawaan, at least isa sa mga diwa nito, ay “ang kakayahang makita mas malalim kaysa sa kung ano ang mahalata”

Mahirap maging tiwasay ang ibang tao kung nadarama niya na nakikita ko lang ang ibabaw ng kung ano ang sinasabi o ginagawa niya at hindi ang nasa likod at padalus-dalos umaabot ako sa mga konklusyon tungkol sa kanya.

Isa sa mga diwa ng salitang intimacy ay into me see at mas malaki ang posibilidad na ang ating kabiyak ay magiging intimate sa atin, sa diwa na magiging siyang malaya na isiwalat sa atin ang kanyang niloloob kung nadarama niya na tayo ay nagsusumikap na talagang unawain siya.

Kaya napakaimportante na sinisikap nating makita ang panloob na pagkatao na nasa likod ng kung ano ang mahalata, ang kanyang mabuting motibo at intensyon na nakatago sa likod ng kanyang pagkakamali dahil sa masyado maraming pamilya nakikita lang ng babae ang maBOTEng mga bagay na itinatago ng lalaki sa likod ng aparador at nakikita lang ng lalaki ang mga sigaw o ang init ng ulo ng babae at hindi kung ano ang nasa likod.

Maging isang tunay na macho

Kaming mga lalaki ay mas malakas sa pisikal na diwa at mas delikado ang babae (sa pisikal na lang dahil maraming babae ay marunong mabuti kung papaano ilagay ang lalaki under the saya).

Ang tunay na macho ay hindi ang isa na nagpapakita kung gaano kahusay siya sa awayan, suntukan, barilan, inuman at kung gaano kalakas siyang nagtataas ng boses. Kadalasan ang gayong uri ng macho ay nagiging machunurin sa loob ng bahay.

Ang tunay na macho sa tingin ko ay ang isa na tinatrato ang kabiyak bilang isang uri ng sisidlan na delikado ngunit mataas ang halaga, na para bang mangkok ng porselana ang asawang babae, mahina at delikado ngunit mamahaling mangkok.

Ang ganitong uri ng macho ay hindi sumisigaw, hindi nagyayabang na malakas uminom siya, mabilis magmaneho at na marunong siyang suntukin maraming tao nang sabay sabay.

Hindi iyon ang hinahanap ng babae, hinahanap nila ang isa na delikado at romantiko….gaya ng mga lalaki na nakikita sa mga pelikulang romantiko.

Ang hinahanap din ng babae para madama niya na tiwasay siya ay ang lalaki na kahit walang trabaho nagsusumikap siya na sumulong.

Sa Pilipinas maraming mga lalaki na walang trabaho ay nakatambay lang at may masyado maraming pamilya kung saan ang babae lang ang nagsusumikap. Sa Pilipinas marami kong nakita pamilya kung saan engineer ang asawang babae at gingeneer ang lalaki.

Mahirap maging tiwasay ang babae kung ganito ang lalaki.

Maraming bagay sana ang kailangang sabihin tungkol dito pero gusto ko lang idagdag ang isa pang punto na sa tinging ko ay napakaimportante:

MAGING MAKATOTOHANAN SA INAASAHAN SA KABIYAK

gusto nating lahat na pagpapasensyahan ng asawa natin tayo sa mga pagkukulang natin ‘di ba?

Pero ang kadalasang nangyayari ay na one way street na lang ito.

Gusto ng marami ang awa ng asawa kapag sila ang nagkakamali pero kung sila ay biktima ng pagkakamali ng kabiyak ayaw nilang siyang pagpasensyahan.

Dapat two way street iyon.

Marami ko sanang idadagdag pero hanggang dito na lang ako sa post na ‘to.

Mabuhay ang katiwasayan!