Mga Bisita sa Blog at mga “Buwisit”a

Nais kong pasalamatan ang lahat ng mga bumibisita sa mga post ko.

Malaking bagay ang mga like at ang mga komento.

Gaya ng sinabi ko noon, ang layunin ng aking blog ay upang ibahagi ang natutuhan ko tungkol sa wikang Tagalog, tungkol sa Pinoy mentality at tungkol sa aking karanasan bilang foreign na asawa ng isang Pilipina.

At, syempre naman, kung may nagbabasa malaking bagay iyon.

Pero, kung minsan, bukod sa mga bumibisita sa mga post ko, mayroon din ang mga bumibuwisita.

Halimbawa, mayroon akong Facebook page na nakaugnay sa mga blog ko at, kung minsan, tinatanggap ko ang mga PM kung saan hindi malinaw ang layunin ng mga sumusulat.

Halimbawa may mga lalaki mula sa iba’t ibang bansa ng Asia at Aprika na nagtatanong sa akin kung pwede kong masumpungan ang isang “beautiful Pilipina” para sa kanila.

At, syempre, dahil, sa totoo, blog ang kuwan ko at hindi ako ang isang “wedding agency”, ang sinasagot ko ay: “kung gusto mo ang isang magandang Pilipina… hanapin mo” (ano naman ang magagawa ko?)

May pagkakataon naman na mga Pilipina ang nagmemessage sa akin at sinasabi nila: “hi”.

Sinasagot ko: “hi, ang page ko ay ang isang blog tungkol sa aking karanasan sa Pinoy culture dahil may asawang Pilipina ako. Hindi ako naghahanap ng querida, may asawa na ako, kumpleto na ako, salamat”.

Ang ilan ay sumusuko, pero kung minsan may nagbabanat “hi”, “hello”….at ayaw tumigil.

Para maging malinaw:

  • Ako ay ang isang Italyano na may asawang Pilipina at ang aking blog ay tungkol sa aking karanasan bilang asawa ng isang Pilipina.
  • Ang layunin ng blog ko ay hindi para maging ang isang “wedding agency”, hindi ko kilala ang sinumang “beautiful Pilipina” na gusto maging asawa ng taong hindi niya kilala.
  • At hindi ko interesado na magkaroon ng relasyon sa mga nagsasabi “hi” o “hello” sa aking Facebook Messenger.

Maganda ang pagkakaroon ng mga bisita, huwag na lang ang mga buwisita…

“Hi” daw….