Domestic Job: Diretso ang Trabaho sa Kabila ng Lockdown

Dito sa aking bansa mayroon humigit-kumulang 200,000 mga Pilipino at ang karamihan ay nagtratrabaho sa domestic sector.

Dito sa Italya ang lockdown ay nasa full force at maraming mga trabaho ay bawal.

Sarado lahat ng mga bar, restaurant at karamihan ng mga tindahan at factory.

Bukas lang ang mga negosyo na itinuturing essential.

Ang mabuting balita ay na ang mga katulong, baby sitter, tagalinis at iba pa ay ligtas, sa diwa na ang kanilang trabaho ay nasa kategorya ng mga trabaho na essential, kaya diretso ang trabaho para sa mga Pilipino.

Bukod dito, dito sa Italya, mayroon din maraming mga Pilipina na nagtratrabaho bilang nurse at iyon ay lalong higit necessary sa panahong ito.

Ang nagiging problema lang ay:

  • Ang mga Pilipino na walang papel o permit to stay na, dahil dito, walang regular na kontrata sa trabaho
  • Ang mga Pilipino na may papel ngunit walang kontrata sa trabaho.

Dito sa Italya mayroon mahigit 2,000,000 katulong, subalit 48% lang ang may regular na kontrata sa trabaho.

Karamihan ng mga Pinoy na nagtratrabaho bilang live-in o full-time sa isang amo lang ay may kontrata, ngunit ang mga Pilipino na nagtratrabaho sa iba’t ibang mga amo at nagtratrabaho isang oras dito at isang oras doon ay, sa maraming kaso, may kontrata sa isa o dalawang amo lang at ang mga iba ay di-regular.

Kung minsan ito ay nangyayari dahil ayaw ng amo magbigay ng kontrata (dahil napakataas ng mga buwis dito) pero may pagkakataon na ang mga trabahador mismo ang may gusto na iilang oras lang ang regular para makakuha nila ang mga benepisyo ng social welfare.

Ang malaking problema ay na tuwing lumalabas ang isang tao mula sa bahay, sa panahong ito ng lockdown, kailangang lagi may dalang permit

Ang form na kailangang dalhin tuwing lumalabas ang isang tao sa bahay. Sa form na ito kailangang ilagay ang address ng lugar ng trabaho

…at may maraming buwaya na kumukontrol.

Karamihan ng mga buwaya ay hindi naman kumukontrol kung totoong pumupunta ang isa sa trabaho pero pwede mangyari na kumukontrol sila.

Ngayon paano kung ang isa ay T.N.T. o walang regular na trabaho? Medyo mahirap iyon…

Kaya ito ay isang importanteng bagay na kailangang isaalang-alang bago tanggapin ang isang trabaho na di-regular o lumipat sa ibang bansa bilang T.N.T.

Maaaring bumangon ang ganitong uri ng situwasyon na puwede maging sanhi ng problema.

Ang Espiritu ng Bayanihan ng mga Pilipino sa Italy

Bilang foreign na asawa ng isang Pilipina isa sa mga bagay na hinahangaan ko tungkol sa mga Pilipino ay ang espiritu ng bayanihan.

Hindi ito ang isang katangian na basta lang binasa ko sa mga aklat o sa mga blog tungkol sa Pilipinas kundi personal na naranasan ko maraming beses at sa maraming paraan.

Ang alam ko ay na sa Pilipinas may pagkakataon na literal na binubuhat ng mga tao ang buong bahay ng isang kabayan na nangangailangang lumipat sa ibang lugar.

Medyo mahirap buhatin ang bahay ng misis ko sa Bulacan dahil yari iyon sa hollow block at bakal, kaya medyo mabigat yata…

At mahirap din buhatin ang mga bahay dito sa Italya dahil halos lahat ng mga Pilipino dito ay nakatira sa mga apartment na nasa loob ng isang gusali at medyo mabigat din yata ang palasyo.

Ngunit dito sa Roma tuwing lumilipat ang isang Pilipino sa ibang apartment libre ang serbisyo ng lipat bahay dahil maraming mga kabayan ang tumutulong

Ang mga Pilipino na nakatira sa Italy at hindi nangangailangan ng moving company, libre ang lipat bahay (o “halos” libre, syempre naman kailangan mag-alok ng kaunting “pampainit, pampatunaw at pampagana”)

Actually noong huling lumipat ako sa ibang bahay marami ang tumulong sa akin.

Ang isa pang paraan na ang mga Pilipino sa aking bansa ay nagpapakita ng espiritu ng bayanihan ay kapag ang isa ay may alam na may available na trabaho: karaka-raka nagkakalat siya ng balita sa Facebook upang tulungan ang mga kabayan na nangangailangan

Kaya ang bayanihan ay hindi lang ipinakikita ng mga tao sa Pilipinas kundi sa abroad din at, syempre naman, ito ay ang isang bagay na, bilang asawa ng isang Pilipina, talagang pinahahalagan ko.

The Filipino Community of Rome

The number of Filipinos living and working in Italy is estimated to be over 200,000 and they are highly concentrated in the cities of Rome and Milan.

The number of T.N.T. or Tago Nang Tago (illegal immigrants) is estimated to be between 20,000 and 80,000.

Around 60% of Pinoy migrants in this country are women who often are the first ones to come and, when they meet the requirements for family reunification, they petition their husbands and the rest of the family.

By and large Filipino illegal migrants in this country don’t run that much of a risk of being deported, as the Filipino community is by far the best accepted and beloved foreign community in the country (78% of Italians view them as hardworking and 66% view them as honest) and also because, as Filipinos often say, mabait ang gobyerno dito…

Filipinos in Italy have the least amount of unemployed people among the various foreign communities, as 77% are employed while 7,2% are unemployed (according to some recent statistics)

Rome has by far the largest concentration of Pinoy in the country

Filipinos buying groceries at the largest multiethnic food market of Piazza Vittorio Emanuele II, Rome

Filipino stall inside the multiethnic food market of Rome

Filipinos say “mabait ang gobyerno dito”: a Pinoy parked his bagong kotse in a no-parking area while the “buwaya” were engaged in kwentuan….

The “bayanihan” spirit is alive also among Pinoy in Rome as at many Filipino weddings everyone brings some food and there is some “tulong-tulong”

Neighborhood Restaurant: one of the best Pinoy restaurants in town

Rizal monument in the “Luneta Park” of Rome situated in Piazza Manila

The former squatter area where few Filipinos used to live before police evicted everyone: the place was nicknamed “Beverly Hills” by Filipinos

The “Lake Taal” of Rome or Lago di Vico: a crater lake that has another (extinct) volcano inside

Maligayang pagdating sa Roma!

Tungkol sa mga hamon ng buhay OFW dito see also:

https://buildingfilipinowesternbridges.wordpress.com/2019/08/01/mga-pinoy-sa-italy-estranhero-sa-bansa-at-estranhero-sa-bahay/

Yung Feeling na…. Magiging Probinsya ng China ang Bayan Ko

“Made in Italy” (sa sweatshop ng mga Intsik)

“Real Italian” cappuccino sa bar na hawak ng mga Intsik=”cappuIntsik”

Marami ang nagsasabi na maaari maging probinsya ng China ang Pilipinas.

Ewan ko kung ano ang mangyayari.

Ang alam ko ay na tuwing Sabado ng umaga dinadala ako ng aking Pinay na misis sa pinakamalaking Chinatown ng Roma (isa sa marami….) at nararanasan ko yun’ feeling na….China na dito.

Masaya naman ang mga Pilipino dahil sa mga sari-sari ng mga Intsik mayroon lahat ng uri ng tsitseria na imported mula sa Pilipinas…

Mga Kabataang Pilipino sa Italy: Paghahanap ng Trabaho

Ang “Sushiko” sa shopping mall “La Romanina” sa Roma, Italya

Sa maikling post na ito nais kong i-share kung ano ang napansin ko kamakailan dito sa Italya may kinalaman sa mga kabataang Pilipino na naghahanap ng trabaho dito.

Parami nang parami dito ang mga negosyo na nagbebenta ng sushi at halos sa bawat malaking supermarket chain ay may sushi point o sushi corner.

Bukod dito maraming eat all you can na restaurant na hawak ng mga Intsik ay may sushi din.

Kapwa sa mga sushi point sa mga supermarket at sa mga eat all you can na hawak ng mga Intsik (at, dahil dito pekeng Hapones ang mga restaurant na iyon….) mga kabataang Pilipino ang nagtratrabaho.

Evidently, kapwa ang mga Italyano na humahawak ng mga sushi point sa mga supermarket at ang mga Intsik na nagpapandaar ng mga eat all you can ay nangangatuwiran na ang mga kabataang Pilipino ay angkop para sa ganitong trabaho, dahil mga Asiano sila at, dahil dito, madaling iniisip ng mga Italyanong customer na totoong Hapones ang mga tindahan iyon ng sushi (hindi masyadong naiintindihan ng mga Italyano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga Intsik, Hapones o Pilipino, basta Asiano sila pareho sa paningin nila).

Last time na nagdate ako kasama ng misis ko pumunta kami sa isang eat all (the sushi) you can na tinatawag na “Sushiko” at, syempre naman, halos puro kabataang Pilipino ang trabahador. Baka ang pangalan “Sushiko” ay hindi Hapones kundi Tagalog (sushiKo, sushiMo, sushiNiya, sushiNatin, sushiNinyo, sushiNila….lol).

Bukod dito kung totoong Hapones ang mga tindahang iyon hindi sana dapat magtrabaho ang mga kabataang Pilipino mula umaga hanggang gabi dahil ang mga Hapones ay taga “Hapon” at sa “Hapon” wala yata “umaga” kundi “hapon” lang….kaya dapat sa “hapon” lang ang trabaho…..lol

Why Filipino People Have Spanish Surnames

As husband of a Filipina I have regular social interactions with Filipinos and I know plenty of De La Cruz, Ramos, De Ramos, Lopez, Lachica and many other Filipino people who have Spanish surnames

I also have Pinoy friends who have non Spanish-sounding surnames like Binaban, Macaraig, Macaraeg.

My wife’s surname is Eco and this particular surname is actually common in Italy and Umberto Eco is one of the most famous Italian writers and best-selling authors.

I also know many whose surname is Tolentino, which could also be Italian and, actually, here in Italy we have the town of Tolentino and Nicola da Tolentino is viewed as a saint by the Catholic church.

While a lot of Filipino people have Spanish surnames, their first names are often English sounding like Jennifer De La Cruz or Liberty De Ramos or something like that.

Some first names are Spanish-sounding like Corazon (like a former Filipino president), Raul or Restituto, Juan, Caridad etc.

There are also Chinese sounding surnames like my friend June Chua and, actually, this first name June (or even June June) is not a real name as it stands for “junior”.

But why do Filipino people have Spanish surnames, or, at least, many of them (apart from the Binaban, Macaraeg etc.)?

The Culture Shock Philippines book by Alfredo and Grace Roces says that the fact that Filipinos have Spanish surnames does not indicate Spanish ancestry.

Filipino Catholics started acquiring Spanish surnames like De La Cruz, Santos etc. but, apparently, that created a lot of confusion because there were so many De La Cruz, Cruz, Santos etc that it was difficult to distinguish people.

A decree was later issued in 1849 by govenor Narciso Clavera and Spanish surnames were given by decree.

Here in Rome, Italy, when I walk down any street I look at the intercoms of the various apartment buildings and I try to figure out if the many Spanish-sounding surnames belong to Latin American people (we have a lot of them in Rome) or Filipinos but, by simply looking at the intercom it is tricky to tell, unless they are sharing the apartment with someone with a non-Spanish surname like Binaban.

Close to my house I have seen an intercom with three surnames, two of which are Spanish-sounding while the third is Causapin. I rang the bell and asked “pwede ba kitang kausapin?”………….

On another occasion I rang a bell where there was a Spanish-sounding surname and I asked “Pilipino ba kayo?” and he replied “hindi”!!?!!!????

Well, these are the funny and interesting things about Pinoy surnames.

Filipinos have no Spanish ancestry or blood but their blood has some similarities with Spanish blood, in the sense that Spanish blood is caliente or hot and Filipinos are caliente (mainit) ang ulo….

Thank you, Italy, for treating Filipino workers well | The Manila Times

Recently I stumbled upon this article from the Manila Times that speaks in positive terms about the way Filipinos are being treated in my country.

Many amo or employers are mabait to their Pinoy mga katulong and Italian husbands (like me) treat their Filipinas well.

But Italy doesn’t simply have kabaitan to offer: we have nice weather, many islands like in the Philippines, volcanoes, a Jollibee restaurant in Milan and the Luneta Park in Rome.

Life overseas can be tough for Pinoy migrants but here in Italy Filipinos can find a warmer embrace…..

https://www.manilatimes.net/thank-you-italy-for-treating-filipino-workers-well/396959/

Pagtratrabaho sa Abroad: Magagamit ba ang Tinapos na Kurso sa Kolehiyo?

Sa maikling salita ito ay depende sa bansa kung saan nagtratrabaho ang isang OFW.

Kilala ko ang isang Pilipina na nagtratrabaho sa isang bansa na nasa Hilagang Europe at nagagamit niya ang kanyang degree.

Siguro sa mga bansa ng Hilagang Europe mas malaki ang posibilidad na gamitin ang tinapos na kurso sa unibersidad, ngunit dito sa Italya may dalawang hadlang:

Una sa lahat ang isang Bachelor degree na kinukuha sa Pilipinas, o kahit sa ibang bansa kung saan may tatlong uri ng college degree (Bachelor, Master at PhD), ay hindi ang katumbas ng Italyanong college degree: dito sa Italya walang shortcut sa pagiging doktor, ibig sabihin na isa lang ang degree dito na tinatawag na “laurea” at (more or less) katumbas iyon ng isang PhD.

Halimbawa ang asawa ko ay may Bachelor degree sa Accounting na tinapos niya sa Pinas at dati teacher siya sa Pinas, ngunit dito hindi magagamit ang kanyang degree dahil hindi iyon katumbas ng Italyanong “laurea”.

Ang isa pang hadlang ay na dito napakaraming mga Italyano na may college degree ay hindi nakakasumpong ng angkop na trabaho, ibig sabihin na kahit may PhD ang isang dayuhang Pinoy, may maraming mga “PhD” dito na nagtratrabaho bilang waiter, tagaluto sa restaurant, tagalaba ng pinggan etc. dahil medyo bagsak ang ekonomya…..

Kaya, at least dito sa aking bansa, hindi masyadong uubra ang ideya na “tatapusin ko ang kurso sa kolehiyo at mag-aabroad ako para masumpungan ang disyenteng trabaho sa mayamang bansa”.

Baka pwede iyon sa ilang mga bansa, ngunit may mga Western na mga bansa (tulad halimbawa ang bansa ko) kung saan wala gaanong saysay ang pinag-aralan, kaya kailangang timbangin lahat ng mga aspekto bago tapusin ang isang kurso upang, sa bandang huli, magabroad.

Buhay OFW sa Italya

Kanina binasa ko ang isang artikulo na lumabas sa pahayagang “Ako ay Pilipino”, ang isang pahayagan para sa mga Pilipino dito sa Italy at sa Europe.

Ang artikulo ay may kinalaman sa hirap na dinaranas ng mga OFW dito at may pamagat “Buhay OFW sa Italya” (https://www.akoaypilipino.eu/libangan/buhay-ofw-sa-italya-2/)

Ayon sa artikulong ito ganito ang buhay OFW sa Italya:

B – igat ng kalooban sa paglayo ay nilabanan,

U – masang sa pansamantalang paglisan

H – irap ng buhay ay aalwan,

A – nupa’t tinitiis pagod at lungkot makapagpadala lamang

Y – aong pinagpaguran sa palad ay dadapo lamang

O – ras ay di alintana, magtrabaho at kumita laman ng isipan,

F – erie o bakasyon sa part time ay ginagamit,

W – ag lang ma gutom pamilyang iniwan

S – elfie at Facebook tanging libangan

A – ng mga pa tour di man Lang maranasan

I – nang bayan nais muling masilayan, yakap ng pamilya labis kinasasabikan

T – iis pa more, patience pa more, sigaw ng isipan ,

A – ng pamilya sa Pinas tunay na nangangailangan.

L – abis na kasigasigan sa paghahanapbuhay,

Y – aong katawang lupa biglang bumigay

A -t sa ospital doon naratay.

Mukhang hindi puro kasiyahan ang buhay ng Pinoy dito pero, kahit papaano, marami pa rin ang gustong pumunta dito.

Kahit papaano ang bansang ito ay nag-aalok pa rin ng mga pagkakataon para mabuhay nang maayos ang mga Pilipino, ang mahalaga ay magkaroon ng realistikong pangmalas tungkol sa totoong buhay dito bago lumipat dito.

Pagpapadala ng Pera sa Pilipinas: Mabilis at Ligtas!

Kahapon dumaan ako sa harap ng isang “money transfer” na agency dito sa Roma, Italy, at napansin ko ang sinasabi sa patalastas: “magpadala ng pera sa Pilipinas: mabilis at ligtas”.

Binubulay-bulay ko kung gaano katotoo iyon: kung ang isang OFW ay nagpapadala ng pera sa Pilipinas mabilis mauubos iyon ng mga kamag-anak at mabilis na i-rerequest nila ang karagdagang pera.

Ligtas din sila kapag may kamag-anak na trabaho nang trabaho sa abroad at padala nang padala: malaya sila na kumain, uminom at…., kung minsan, lasing pa…. Talagang ligtas sila: kahit bumabagsak ang mundo nananatili sila nakatayo!

Oo, mabilis at ligtas talaga!

Ang problema lang dito sa aking bansa ay na ang pera ay mabilis nang ipadala sa Pilipinas at maaubos ng mga kamag-anak (at, kung minsan, ng mga “kamag-alak“), ngunit napakabagal bago kumita ng pera na pwede muling ipadala….. kahit may tunay at apurahang pangangailangan.