Mga Pinoy sa Italy: Estranghero sa Bansa at Estranghero sa Bahay

Bilang asawa ng isang Pilipina dito sa Italya, isa sa mga bagay na napansin ko ay na maraming mga Pilipino dito ay kapwa estranghero sa bansa at sa bahay.

Mga estranghero sila sa Italya hindi lang dahil iba ang nationality nila kundi dahil hindi gaano silang natututo ng Italyano at halos hindi sila nakikipagsalamuha sa mga taga dito.

May iba’t ibang mga dahilan:

Ang isang dahilan ay na marami ang nagtratrabaho bilang live-in (o full-time) na tagalinis at nakakulong sila sa bahay ng kanilang mga amo sa loob ng maraming oras, kaya may kaunting pagkakataon (o halos wala) sila para makipagsalamuha sa mga taga dito.

Ang isa pang dahilan ay na, dito sa Roma, mayroon ganitong karaming Pilipino na halos hindi kailangan ng mga Pilipinong dayuhan makipag-ugnayan sa mga Italyano at, karamihan sa mga kakilala ko ay, sa totoo, wala gaanong interes o gana na magpalawak at makipag-kaibigan sa mga taga dito.

Ang kanilang mga anak naman ay regular na nakikipagsalamuha sa mga taga dito, kaya fluent sila sa Italyano.

Kaya ang dahilan kung bakit nagiging mga estranghero sila sa bahay ay na maraming mga anak ng mga Pilipino dito ay halos hindi marunong magsalita ng Tagalog (o Iloko o anuman ang wika ng kanilang mga magulang).

Halimbawa, noong isang linggo kinausap ko ang isang 25 taong gulang na anak ng isang Bulaquenya: hindi siya kailanman nakarating sa Pilipinas at hindi niya kanyang bumuo ng kahit isang buong pangungusap sa Tagalog.

Nagkaroon ako ng impresyon na ang kanyang nanay ay hindi gaanong ka-fluent sa Italyano, kaya paano nagkakaroon sila ng makabuluhang komunikasyon sa tahanan?

Sa palagay ko medyo binabale-wala ng ilang mga magulang ang pagtuturo ng Tagalog sa kanilang mga anak habang maliit pa sila at kaya sana nilang matuto ng mabilis.

Masyadong abala ang mga magulang sa trabaho at pagdating sa bahay pagod sila, may masyado maraming teknolohya na nagiging sagabal sa komunikasyon at, dahil dito, ang mga anak ay nagiging mga estranhero sa tahanan.

Kaya kung may balak kayo na lumipat dito para magtrabaho (kung sakali may trabaho pa dito…..hindi ako sigurado tungkol dito), pakisuyo isaalang-alang ninyo kung paano magtuturo kayo ng Tagalog sa inyong mga anak para hindi mangyari na kayo ay magiging kapwa estranghero sa bansa at estranghero sa tahanan!

Mga Pinoy sa Italy: mga Pilipino at ang Social Welfare sa Italy

Dito sa Italya ang mga tao ay may maraming masamang ugali.

Noong bata pa ako marami ang tulong na kayang ibigay ng gobyerno sa mga nangangailangan.

Noong mga “70s at “80s libre ang gamot, libre ang university, pwede mag-retire ang mga trabahador kapag 55-60 taong gulang, napakamura ng pampublikong transportasyon at may maraming tulong na available para sa mga may sakit o invalidity.

Sa ngayon naging mahigpit ang gobyerno at bumaba ang mga pondo ng gobyerno para sa mga bagay na iyon.

Ngunit, kahit papaano, marami pa rin ang mga benepisyo na available para sa mga walang trabaho o may mababang sahod, lalo na kung may anak.

Isa sa mga dahilan kung bakit medyo kulang sa pondo ang Social Welfare dito ay na sinamantala iyon nang malaki ng maraming tao na walang tunay na pangangailangan.

Dito may maraming Italyano na nag-aanking may mababang income pero, baka, may hindi-dinedeklarang sideline (at baka may magandang kotse, dalawang bahay etc.) at may maraming tao na tumatanggap ng tseke bilang “invalid” pero hindi pala totoong bulag o pilay sila.

Kamakailan natuklasan ng pulis na ang isang tao na, sa loob ng matagal na panahon, ay tumanggap ng tseke ng Social Welfare bilang bulag ay kaya niyang magmaneho ng kotse!

Bilang asawa ng isang Pilipina, mayroon akong impresyon na medyo monkey see monkey do ang saloobin ng mga Pilipino.

Madali sana para sa isang Pilipino dito magkunwari na mababa ang kanyang income kahit hindi iyon totoo: karamihan ng mga Pilipino dito ay nagtratrabaho sa iba’t ibang amo, isang oras dito, isang oras doon at, baka, isa lang sa mga amo ang handang gumawa ng legal na kontrata.

Sa ganitong situwasyon pwede mangyari na ang isang OFW ay nag-aaply sa tulong ng gobyerno kahit ang totoong income ay mas mataas kaysa sa kung ano ang “officially” na lumilitaw at baka ang aplikante para sa tulong ng gobyerno ay may magandang kotse, magastos na i-phone, flat-screen na TV etc.

Ayaw kong magbigay ng “sermon” tungkol dito. Ang gusto ko lang sabihin ay na nagiging medyo mahigpit ang gobyerno dito at dumarami ang mga kontrol.

Gaya ng sinabi ko, natuklasan ng pulis maraming bulag na nakapagmamaneho, baka mayamaya lalabas ang mga pilay na umaakyat ng mga bundok, ang mga bingi na kumakanta, ang mga homeless na may bagong BMW at marami pa….

Kaya, kung kayo ay OFW dito sa bansa ko mag-ingat sa pagdedeklara ng income dahil kulang sa pondo ang bansa at dumarami ang mga inspeksyon…..

Kung Paano Matuto ng isang Bagong Wika

Maraming mga Pilipino ay walang problema sa komunikasyon kapag lumilipat sila sa isang English speaking na bansa.

Ngunit napansin ko na maraming Pilipino na nasa aking bansa (Italya) ay nahihirapan sa pagkatuto ng Italyano kahit matagal na silang nandito.

Ibig yata sabihin nito na, pagdating sa mga wika na iba sa English (na, more or less alam na ng karamihan ng mga Pilipino), medyo mabagal ang mga Pilipino bago matuto sila ng mga wika katulad ng Italyano, French at iba pa.

Nasumpungan ko ang isang napukaw sa interes na essay tungkol sa mga katangian na kailangan para matuto ng ibang wika, lalo na kung OFW kayo.

Ang isang mahalagang punto sa essay na ito ay: huwag kang mag-atubili, kahit medyo barok o baluktot ang pagsasalita mo, huwag kang mahiya!

Ang lihim ay: magpraktis, magpraktis, magpraktis kahit mali kayo.

Source: Ramos, T.V. & Goulet, R. M. (1981) Intermediate Tagalog: Developing Cultural Awareness through Language, University of Hawaii Press: Honolulu)

Ang pag-aaral ng isang wika ay madali sa ilang tao at napakahirap sa iba. Sino ang nahihirapan at sino ang nadadalian?

Ang nahihirapan ay mga taong mahiyain at mahina ang loob. Ayaw nilang magbukas ng bibig dahil natatakot magkamali. Ayaw nilang mapintasan ang maling pagbigkas o maling pagsasamasama ng salita. Hindi sila magsasalita hangga’t sa palagay nila ay tamang-tama na ang sasabihin nila.

Ang nadadalian ay ang hindi nahihiyang magkamali. Kahi’t balu-baluktot, pinipilit nilang magsalita. Malakas ang kanilang loob.

Madali ring matuto ang mga taong mahilig makipagkaibigan. Dahil gusto nilang makipagkaibigan sa mga mamamayan ng bayang kanilang binibisita, nagsasalita sila sa salitang banyaga. Kahit a la “ako Tarzan, ikaw Jane.”

Anong uri ng mag-aaral (estudyante) kayo?

Pwede bang Magtrabaho sa Kahit Anong E.U. na Bansa ang mga Pilipinong Asawa ng isang E. U. na Citizen o ang mga Nagtataglay ng Permanent Resident Permit sa isang E.U. Member State?

Sa blog na ito tinatalakay ko ang iba’t ibang mga aspekto na may kinalaman sa pag-aasawa ng isang Pilipina sa isang foreigner at, syempre, palibhasa ako ay nakatira sa Italy, na bahagi ng E.U., mas kumakapit ang tinatalakay ko sa realidad ng mga E.U. na mga bansa.

Ang isa sa mga tanong na maaaring bumangon sa isip ng isang Pilipina na gustong maging asawa ng isang citizen ng E.U., at, syempre naman, ng sinumang Pinoy o Pinay na nagnanais lumipat dito, asawa man ng E.U. citizen o hindi, ay: “kung magkakaroon ako ng long-term resident permit ng isang E.U. na bansa, pwede ba akong magtrabaho kahit saan sa E.U.?

Ito ay ang isang angkop na tanong dahil hindi lahat ng E.U. na bansa ay parehong mayaman at sa ilang mga lugar, gaya ng Gresya o Timugang Italya, ay maaari maging mahirap magkaroon ng isang disyenteng trabaho at wala maraming saysay ang pagkakaroon ng asawa na citizen ng ganitong lugar kung pera o pinansyal na pakinabang lang ang layunin.

Ang sagot sa tanong na ito ay nasa isang artikulo ng pahayagang Ako ay Pilipino Roma ( https://www.akoaypilipino.eu/sagot-ng-eksperto/carta-di-soggiorno-mula-sa-ibang-bansa-ng-eu-balido-ba-sa-pagta-trabaho-sa-italya/) at ito ang sinasabi ng isang experto:

“Ang isang dayuhan na nagtataglay ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno na inisyu ng isang Member State, ay maaaring magtrabaho sa ibang bansa ng Europa.

Ito ay itinalaga ng European Directive n. 2003/109/CE at ipinatutupad sa Italya sa pamamagitan ng D.Lgs. n. 3 ng 2007.

Gayunpaman, dapat na isaalang-alang na ang Directive ay nagbibigay ng pagkakataon, sa limitadong bilang ng mga dayuhan na mayroong EC long term residence permit na inisyu ng ibang State members, ang magtrabaho o ang magbukas ng negosyo bilang entrepreneur sa Italya”

At, bukod dito, hindi ganitong kadali ang paglipat mula sa isang E.U. na bansa tungo sa iba dahil sa mga mas mayamang bansa ng E.U. mataas ang upa ng bahay at sa mga bansa kung saan mababa ang upa ng bahay wala naman trabaho kaya hindi ganitong ka-simple.

Kaya kung ang isang Pinoy o Pinay ay nagnanais mag-asawa sa isang E.U. na citizen o lumipat lang dito para magtrabaho, ito ay ang isang aspekto na dapat maging maliwanag.

Ang mga Hamon ng Pagiging Dayuhan sa Ibang Bansa: Family Reunification

Kung ang isang Pilipino o Pilipina ay may asawa na mula sa isang mayamang (o “medyo” mayamang) bansa walang problema ang pagpunta sa bansa ng foreign na asawa ng mga anak na menor-de-edad o ng nanay o tatay (at least walang problema sa bansa ko).

Ang mahigpit at medyo kumplikado (lalo na sa bansa ko), dahil hindi madali masumpungan ang isang maayos na trabaho sa panahong ito at malaking problema ang pagbabayad ng upa kung gusto ng isang pamilyang Pinoy iwasan magkaroon ng bed spacer o ka-boarder, ay dalhin dito ang pamilya kung ang isa ay OFW at hindi asawa ng isang foreigner.

At kung marami ang nakatira sa bahay ibig sabihin nito na kulang sa “tamang” sukat ang bahay (batay sa mga kahilingan ng gobyerno) para makapunta dito ang mga ka-pamilya.

Sa artikulong ito nais kong i-share ang mga kahilingan, dito sa bansang ito (Italya), na may kinalaman sa tamang sukat ng bahay.

Bago banggitin ko ang mga kahilingan, nais ko lang liwanagin na dito ang pwede asahang kikitain ng isang average na Pilipino ay 1000 (at kung minsan wala pa iyon)-2000 euro (kung ang isa ay may iba’t ibang amo at iba’t ibang mga part-time) at ang upa ng isang apartment na humigit-kumulang 60 square meters ay 600-700-800 euros plus kuryente, gas, tubig, internet, transportasyon, pagkain, damit etc.

Heto ang mga kahilingang may kinalaman sa sukat ng bahay (batay sa mga impormasyon na kinuha ko sa https://www.akoaypilipino.eu/sagot-ng-eksperto/ang-tamang-sukat-ng-bahay-sa-pag-aaplay-ng-family-reunification/)

“….ang Minsitry of Interior, sa pamamagitan ng Circular 7170 ng Nov 18, 2009, ay inanyayahan ang mga Comune (munisipyo) na gawing sanggunian ang “Dekreto July 5, 1975 ng Ministry of Health na nagtatalaga ng mga pangunahing pamantayan sa kalusugan at kalinisan ng mga tahanan at minimum requirements sa laki ng tahanan, batay sa bilang ng mga naninirahan dito”.

Ang dekretong nabanggit, ay nagtatalaga rin ng taas ng kisame na 2,70 meters at maaaring maging 2,40 m sa corridors, lobbies, banyo, lavatories at closet.

Dapat ding mayroong 14 square meters kada tao sa unang apat na naninirahan, at 10 square meters mula ika-limang naninirahan (samakatwid, ang isang bahay para sa anim na katao ay kailangang 76 sq meters ang laki).

Ang mga kwarto ay kailangang hindi bababa sa 9 sq meters kung dito ay natutulog laamang ay isang tao, at hindi dapat bababa sa 14 square meters kung dalawang taoang natutulog dito at kailangan ang pagkakaroon ng bintana na maaaring buksan sa kwarto, salas at kusina.

Ang parameters ay naiiba para sa mga studio unit o monolocale. Kung isang tao lamang ang naninirahan dito, ay kailangang magkaroon ng minimum required na laki kasama ang banyo na hindi bababa sa 28 sq meters. Ngunit kung dalawang tao ang naninirahan dito ay tataas sa 38 square meters ang laking kailangan.

Ayon pa sa dekreto ang mga bahay ay dapat na nagtataglay ng heater, ang kwarto ay kailangang may bintana para maging maliwanag at maaaring buksan para sa paglabas at pasok ng hangin, mayroong exhaust fan sa kusina at banyo”.

Mayroon din mga kahilingan may kinalaman sa kita:

Narito ang required salary sa pag-aaplay ng family reunification

“Family reunification para sa 1 miyembro ng pamilya (kahit mas bata sa 14 anyos): € 8931.00

Para sa 2 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos):

€ 11908.00

Para sa 3 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 14885.00

Para sa 4 na miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 17862.00

Para sa 5 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos):

€ 20839.00

Para sa 6 na miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 23816.00

Para sa 2 o higit pang bilang ng anak na mas bata sa 14 anyos: € 11908.00.

Bukod sa mga menor ng 14 anyos na pipitisyunin, ay idadagdag sa bawat miyembro ang halagang € 2977.00″ (https://www.akoaypilipino.eu/gabay/required-salary-para-sa-family-reunification-process-sa-taong-2019/)

Sa madaling salita ang ibig sabihin nito ay na dito mababa ang sweldo, mahal ang mga bahay at mahirap para sa mga Pilipino iwasan magkaroon ng mga ka-boarder sa bahay at kung may ka-boarder kulang sa tamang sukat ang bahay at hindi makakarating dito ang mga ka-pamilya (asawa at mga anak lalo na kung marami).
Kaya, bago isipin o planuhin na mag-abroad, ang pinakamabuting bagay na kailangan gawin ay umupo at timbangin nang maingat ang lahat ng mga aspekto na nasangkot.

Ang “Barok” na Pagsasalita ng mga Pilipino dito sa Italya

Ang Bayan ng Roma ay kilalang-kilala bilang ang kabisera ng Baroque style.

Sa sentro ng Roma may maraming simbahan at gusali na “Baroque” ang istylo at, ayon sa ilan mga iskolar, ang kahulugan, o isa sa mga kahulugan, ng terminong ito ay may kinalaman sa di-regular na hugis ng mga perlas na medyo magaspang at hindi perpekto. Maraming mga gusali dito sa Roma ay may di-regular na hugis.

Ang isang halimbawa ay ang simbahan ng Sant’Agnese sa Piazza Navona kung saan ay may halo-halo ng malukong at matambok na hugis ang harap ng simbahan.

Noong bagong kasal ako madalas na narinig ko ang mga Pilipino na gumagamit ng salitang baroque at nagtaka ako dahil alam ko mabuti na hindi ganitong ka-interesado ang mga Pinoy sa arts at, dito sa Roma, bagaman may maraming historic na mga gusali, mas gusto ng mga Pilipino pumunta sa mga shopping mall, sa KFC, Mc Donalds o Burger King at medyo binabale-wala nila ang mga monumento na milyun-milyong mga turista na galing sa buong mundo ay sabik na sabik na makita.

Sa bagay, noong nasa Pilipinas ako, gusto ko sana makita ang historic na bahagi ng Maynila, na tinatawag na Intramuros, pero puro shopping malls ang pinuntahan namin.

Sa Baliuag, Bulacan mayroon ang isang Colonial Style na simbahan na dinaanan namin maraming beses, at na gusto ko sana makita, pero ayaw huminto ng dryber.

Sa kalaunan natuklasan ko na ang salitang baroque na ginagamit ng mga Pinoy ay walang kinalaman sa “sining” kundi sa “broken at non-standard” na pagsasalita ng ibang wika.

At, syempre, dito talagang nahihirapan ang mga Pinoy sa pagsasalita ng Italyano at sobrang barok ang kanilang pagsasalita.

Halimbawa, madalas ginagamit ng mga Pilipino ang inverter ay, na karaniwan sa Tagalog, kapag nagsasalita sila sa Italyano. Bukod dito ang f ay nagiging p at ang v ay nagiging b.

Ang nagiging resulta ay na ang isang pananalita katulad halimbawa “io devo fare…,” (“dapat akong gumawa ng……”) ay nagiging “io ay debo pare”.

Madalas na ginagamit ng mga Pilipino ang mag-, na karaniwang ginagamit sa Tagalog para bumuo ng mga pandiwa, at hinahalo nila ito sa mga pandiwa sa Italyano. Halimbawa ang Italyanong pandiwang “partire” (magbyahe) ay nagiging: “magpartire”.

Kaya, bagaman ang mga Pinoy dito ay wala kahit anong interes sa Baroque Architecture naging sila dalubhasa sa pagsasalita ng Barok Italian at talagang barok na barok ang pagsasalita nila.

Naintindihan ko na bising-bisi ang mga Pinoy dito, pero natuklasan ko na hindi kailangan ang malaking pagsisikap para pasulungin ang pagsasalita ng isang banyagang wika, sapat ang ilang minuto araw-araw. Tutal, bagaman sobrang abala ako sa dami ng ginagawa ko, kahit papaano natuto ako magsalita ng Tagalog……..kahit baka kung minsan medyo barok din ang Tagalog ko……..

Ang Italya ay ang Pilipinas ng Europe!

Ang mga litrato na nasa itaas ay nagpapakita ng iba’t ibang dahilan kung bakit masasabi na ang bansa ko ay ang “Pilipinas ng Europe”.

  • Maganda ang dagat dito, lalo na sa Southern Italy, at napakalinaw ng tubig
  • Maraming bulkan (at lindol)
  • May Jollibee (sa Milan)
  • May mga Pilipino sari-sari store at Pinoy restaurant
  • May mga tao na nagtatapon ng basura kung saan bawal (bukod dito may mga driber na kaskasero, maraming mandurukot, may mga tao na ayaw pumila at marami pa….)
  • Mayroon ang isang lugar na (halos) katulad ng Lake Taal
  • May mga squatter
  • May Luneta Park sa Roma

Ito baka ang dahilan kung bakit para sa aming mga Italyano mas madaling harapin ang culture shock kaysa para sa mga taga-Hilagang Europe, America o Australia at hindi kami gaano ka-shocked sa kulturang Pinoy.
At, syempre pa, may napakaraming Pilipino dito!