Ang Italyano na “Nagparoot-parine” sa Bulacan

Habang nasa Bulacan ako natuto ako na mayroon ang isang uri ng Tagalog na iba sa opisyal na Tagalog na pinag-aralan ko sa mga aklat.

Akala ko na kumpleto ang aking kaalaman ng Tagalog bago ng aking unang dalaw sa bayan ng asawa ko, pero natuklasan ko na iba ang pagsasalita ng mga tao doon.

Minsan, habang namamasyal ako sa barangay ni misis, may nagsabi sa akin “lagi kayo nagparoot-parine“.

Sabi ko “lagi nagpapaano ako?”, “lagi nagpaparoot-parine kayo” daw…

“Ibig yata ninyong sabihin na ako ay nagpaparoot-parito

Sabi niya “oo, lagi kayo nagparoot-parine

“Ano ba ang ibig sabihin ng rine?” ang tanong ko.

Sabi niya “ganire ang salita namin dine

Ganire, dine”?!?!?!?!?!?! “Ano ba iyan?”

Ang wikang Bulaquenyo!

Ngayon medyo sanay na ako sa mga “dine, rine, ganire” dahil kasama sa bahay ang byenan ko…

Interesting, bago ng unang dalaw ko sa Bulacan halos puro English at Italian ang pagsasalita sa bahay…

Ngayon tuwing umuuwi ako sa Pilipinas ginagamit ko ang “dine, rine “ para kumbinsihin ang mga mandurukot na hindi ako turista kundi ang isang “taga rine“….(ang isang mestizo….)

Ako ay ang isang Guro ng Wikang Tagalog!

Mayroon akong ipinost kamakailan na biglang nagkaroon ng medyo maraming bisita: “Balarilang Tagalog-Bahagi 1” (balang araw gagawin ko ang bahagi 2…. kapag may bakasyon muli ako).

Ang daming bisita!

Akala ko na walang makakainteres sa post na iyon dahil ang mga Pilipino na kilala ko ay ayaw nilang pag-usapan ang ganitong uri ng paksa. Mas mahilig sila sa barok na pagsasalita.

Ang balarila daw ay para sa mga guro, ang mga OFW ay kailangang magtrabaho at magpadala ng pera sa Pilipinas at wala silang panahon para sa ganitong uri ng bagay.

Pero, bilang asawa ng isang Pilipina mahilig ako sa tumpak na pag-aaral ng wika at kultura ng Pilipinas.

Mukhang nagiging medyo kilala ang post ko sa Pilipinas at nakita ko rin na lumilitaw iyon sa Google kasama ng mga artikulo ng mga propesor Emeritus. Nagiging ako propesor walang kwentus….

Ipinakita ko ang mga resulta ng post ko sa asawa ko: sinabi niya “so what?”

“So what?” daw…

Ano ang ibig sabihin ng “so what?”.

Ako ay kilalang-kilala bilang dalubhasa sa Wikang Pambansa, isang Gurong Emeritus…. kahit medyo “walang kwentus.

Karapat-dapat ako na may mag-imbita sa akin sa Pilipinas para mag-lecture.

Uupo ako sa ibabaw ng isang buko at magbibigay ako ng lecture. Pwede rin magturo ako habang nakabitin ako sa puno ng buko…. kahit anong option ay ok sa akin.

Akalayin ninyo, naging ako ang isang authority sa larangan ng Wikang Pambansa, ang isang taong walang kwentus na naging propesor Emeritus….

What else?

Mga Salawikain sa Wikang Tagalog

Bilang foreign na asawa ng isang Pilipina, nagpasya ako na matuto ng higit pa tungkol sa wika at sa kultura ng misis ko at, dahil dito, nakapagsasalita ako ng (medyo barok kung minsan na) Tagalog.

Bukod sa wika, interesado ako sa literatura, kasaysayan at marami pang mga aspekto tungkol sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Ang isang malaking tulong para magkaroon ng higit pang unawa ako tungkol sa mentalidad Pinoy ay ang isang maliit na aklat na binili ko sa Pilipinas tungkol sa mga salawikain sa wikang TagalogKaramihan ng mga salawikain na nasa aklat ay may kinalaman sa mga bagay na personal na nakikita at nararanasan ko sa aking pang-araw araw na pakikipagsalamuha sa aking asawa at sa mga PilipinoTotoo na ang mabuting kaibigan ay nakikita sa gipit at, sa maraming pagkakataon, kung saan medyo nasa “gipit” ako (halimbawa noong lumipat ako sa ibang bahay at wala ako gaanong pera para bayaran ang isang moving company), tinulungan ako ng mga tunay na kaibigan na Pinoy at naranasan ko ang espiritu ng bayanihan.Talagang kailangan ang mga tunay na kaibigan dahil “ang buhay ng tao ay gulong, ngayon ay nasa ibabaw ka” at, baka, sa hinaharap ay “nasa ilalim ka” kaya totoong-totoo ang salawikaing ito at salamat sa espiritu ng bayanihan lagi nasusumpungan ang maraming kaibigan na handang gumawa ng kaunting “vulcanizing” sa “gulong ng buhay” kapag nasa ilalim ka.Kung “maikli ang kumot” kailangan talagang “mamaluktot”, subalit, kung minsan, mayroon akong impresyon na ang mga Pilipino na nasa abroad ay medyo lumalayo sa prinsipyong ito: marami ay umuutang kung maikli ang pinansyal na kumot. Maikli man o mahaba ang kumot gusto ng maraming Pinoy na kilala ko ang magastos na gadyet, kotse, flat-screen na TV at marami pang mga bagay na medyo mas mahaba ng kaunti kaysa sa kumot….“Ang mahusay na pagsunod ay nasa buti ng nag-uutos”.

Para maikapit ang simulaing ito sa pagpapalaki sa mga anak (para hindi maging sila masuwayin) ay kailangan ang pisikal na presensya ng “nag-uutos” dahil kung ang inuutusan (anak) ay nasa Pilipinas at ang nag-uutos (magulang) ay nasa abroad medyo mahirap mangyari ang “mahusay na pagsunod” na resulta ng “buti ng nag-uutos” sa palagay ko.“Ang taong takot sa ahas ay hindi dapat lumakad sa gubat”.

Mukang hindi masyadong totoo ito: ako ay takot na takot sa ahas pero nakapaglakad pa rin ako sa gubat sa Pilipinasmay nagsabi sa akin na, kahit takot ako sa ahas, wala akong dahilan para mag-alala dahil pinupulutan daw ng mga tao ang lahat ng mga ahas …

Kaya, bagaman karamihan ng mga salawikain ay nagsasalamin sa tumpak na paraan sa mga situwasyon na aktuwal na nakikita ko at nararanasan ko sa aking pakikipagsalamuha sa mga Pinoy, mayroon ang ilang mga salawikain kung saan medyo may alinlangan ako: nasaan ang kakayahang “mamaluktot” kapag maikli ang kumot? Nasaan ang mga ahas sa gubat?

Syempre napakaraming mga salawikain sa Tagalog at kailangan ko pang tapusin ang pagbabasa ng libro na binili ko sa Pilipinas (noong 2009….) tatapusin ko iyon balang araw….

Balarilang Tagalog-Bahagi 1: Salitang Ugat at Panlapi, mga Pandiwa, mga Pangngalan, mga Pang-uri.

Ako ay Pilipino!

Noong 2000 nakilala ko ang Pilipina na naging asawa ko.

Noong 2001 noong engaged pa lang kami nagpasya akong mag-aral ng wikang Tagalog.

Lahat ng mga aklat na pinag-aralan ko tungkol sa balarilang Tagalog ay sa wikang Ingles.

Subalit minabuti ko rin na maging pamilyar sa terminolohiyang Tagalog may kaugnayan sa balarila ng wika ng misis ko.

Ang seryeng ito ng mga post tungkol sa balarila ay una sa lahat isang pagsasanay para sa akin.

Pero maaari ring pakinabangan ng ilang mga Pilipino na hindi gaanong kabisado sa balarilang Tagalog, kahit mahusay magsalita, at sa totoo maraming mga Pilipina at Pilipino, kahit may mataas na edukasyon, ay hindi masyadong marunong magturo ng Tagalog sa aming mga foreigner at medyo nalilito sila kapag ang isang foreigner katulad ko ay nagbabangon ng mga tanong tungkol sa balarilang Tagalog.

Sa unang artikulo nais kong ipakipag-usap ang tungkol sa unang bagay na itinuturo sa aming mga foreigner na nag-aaral ng wika ninyong mga Pilipino: ang salitang-ugat at ang panlapi.

Sa Tagalog maraming mga salita ay binubuo sa pamamagitan ng isang saligang salita na tinatawag na ugat at isa o mahigit pang panlapi, o “affix” sa wikang Ingles.

Ang isang halimbawa ay ang salitang ugat ganda.

Batay sa uri ng panlapi na idinidikit ng isa sa salitang ugat pwedeng bumuo ng isang

Pandiwa (verb): halimbawa gumanda

Sa ganitong halimbawa ang uri ng panlapi, ibig sabihin ang -um- ay tinatawag na gitlapi dahil nasa gitna ng salitang ugat

Pang-uri (adjective): maganda

Ang panlaping ma- ay tinatawag na unlapi dahil nasa unahan ng salitang ugat

Pangngalan (noun): kagandahan

Ang ka- ay, syempre pa, ang isang unlapi, samantala ang -(h)an ay ang isang hulapi dahil nasa huling dako ng salita.

ASPEKTO NG PANDIWA

Sa maraming wika may napakaraming mga “tense”.

Ang mga pandiwang Tagalog ay mas madali dahil wala talaga ang mga “tense” kundi mayroon lang ang mga aspekto.

Ang mga aspekto ay nagsasabi lang kung ang isang kilos ay tapos na, nagpapatuloy pa o hindi pa ginawa.

Sa Tagalog mayroon 3 pangunahing mga aspekto.

Para maunawaan ito kunin nating halimbawa ang mga pandiwa na binubuo sa pamamagitan ng salitang ugat+ang panlaping (o “gitlapi”)”-um-“, halimbawa ang pandiwang uminom

Aspektong naganap=tapos na ang kilos

Halimbawa: “si Juan ay uminom ng isang buong bote ng Tanduay”=tapos na ang kilos… walang natitira sa bote (lasinggero si Juan)….

Aspektong nagaganap o imperpektibo=ang kilos ay nagpapatuloy pa, hindi pa tapos

Halimbawa: “si Juan ay umiinom ng Tanduay”. Hindi pa ubos ang bote, may panahon pa para sa mga kainuman ni Juan na tamasahin ang isang tagay…

Aspektong magaganap o kontemplatibo=ang kilos ay mangyayari sa hinaharap, may intensyon na kumilos pero hindi pa kumilos si Juan

“Si Juan ay iinom ng Tanduay”: may intensyon si Juan na uminom pero hindi pa ito nangyari…baka may panahon pa ang asawa ni Juan na pigilan siya….

Syempre, bukod sa panlaping -um- mayroon marami pang panlapi gaya ng mag-, maka-, makapag-, ma- at marami pa.

POKUS NG PANDIWA

Ang aspekto ng pandiwa ay ang madaling bahagi ng wikang Tagalog.

Ang mahirap para sa aming mga foreigner na nagnanais matuto ng Tagalog ay ang dami ng mga panlapi na ikinakabit sa salitang ugat para bumuo ng isang pandiwa.

Para sa aming mga foreigner ay talagang mahirap malaman kung kailan gamitin ang um, mag, -in,-an, magpa-, maka-, makapag- at iba pa.

At ang problema ay na kapag tinatanong namin ang mga Pilipino (tulad halimbawa ang asawa ko) hindi nila alam kung papaano ipaliwanag ang mga bagay na ito.

Kaya ginawa ko ang isang balangkas para maging maliwanag kung anu-anong mga panlapi ang dapat gamitin may kaugnayan sa mga pandiwa.

Bukod sa mga panlapi na ikinakabit sa mga pandiwa mayroon din ibang uri ng mga panlapi pero sa ngayon ang pinag-uusapan ko ay ang pokus ng pandiwa.

Ang uri ng panlapi na ginagamit sa bawat situwasyon ay nakadepende sa pokus.

Ano ba ang pokus?

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika (ang salitang semantika ay may kaugnayan sa kahulugan ng isang salita, parilala o pangungusap)
ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

  • Aktor-pokus o pokus sa tagaganap o sa isa na gumagawa ng kilos

Ang pokus dito ay nasa kung sino ang gumagawa ng isang bagay at ang mga panlapi ay
MAG, NAG, MA, NA at UM.

Halimbawa: sino ang bumabasa ng aklat? Sagot: “bumabasa si Mario (aktor) ng aklat”. Dito si Mario ang pokus

  • Pokus sa layon

Ito ay sumasagot sa tanong na “ano?”.

Dito ang mga panlapi ay IN, I, AN, NA.

Halimbawa: “ano ang binabasa ni Mario?” Sagot: “Binabasa ni Mario ang aklat“. Sa halimbawang ito ang aklat ang pokus.

  • Pokus sa ganapan o lokatibo

Ito ay sumasagot sa tanong na “saan?” o sa ibang salita ang pokus ay nasa lugar kung saan ginaganap ang isang kilos.

Ang mga panlapi ay: pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an, pinag/an, in/an.

Halimbawa: “Ang bukiran ay pinagtaniman ng gulay”. Ang bukiran ay ang pokus ng pangungusap na ito.

  • Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap

Ang pokus ay ang ang tumatanggap.

Ito ay sumasagot sa tanong na “para kanino?“. Ang mga panlaping i- , -in , ipang- , ipag- ang ginagamit.

Halimbawa: “ipinagbili ko ang bata ng kendi”. Bata ang tumatanggap kaya siya ang pokus.

  • Instrumentong pokus o pokus sa gamit

Ang pokus ay nasa bagay na ginagamit upang makagawa ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”

Ang ginagamit ay ang mga panlaping ipang- , maipang-

Halimbawa: “ipangluto ang kaldero ng pagkain”. Ang kaldero ay ang instrumento na ginagamit para magluto at siya ang pokus.

  • Kosatibong pokus o pokus sa sanhi

Ang pokus ay ang sanhi ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “bakit?” at ginagamit ang mga panlaping i- , ika- , ikina-

Halimbawa: “ikinalungkot ko ang kamatayan ng aso ko” (ang kamatayan ng aso ko ay ang sanhi kung bakit malungkot ako).

  • Pokus sa direksyon

Ang pokus ay ang direksyon ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?” at ang ginagamit ay ang mga panlaping –an , -han , -in , -hin.

Halimbawa: “sinulatan ko ang pinsan ko”. Ang pinsan ko ay ang pokus dahil siya ang direksyon ng aking pagsusulat.

Ito ang isang balangkas ng iba’t ibang mga panlapi na ginagamit sa bawat uri ng pokus at ito ang pinakamahirap para sa aming mga foreigner na nagnanais matuto ng Tagalog….

MGA PANGNGALAN

Ang isang pangngalan ay ang isang salita na tumutukoy sa:

Isang bagay-halimbawa mesa

Isang persona-halimbawa presidente

Isang lugar-halimbawa: tindahan

Isang ideya-halimbawa: katalinuhan

Ang karamihan ng mga salitang-ugat na walang panlapi ay mga pangngalan

Ang ilan ay katutubong Tagalog na mga salita samantala marami ay nagmumula sa Espanyol (silya, mesa) o Ingles (kompyuter, gadyet)

Bukod sa mga pangngalan na walang panlapi mayroon maraming uri na may isa o mahigit sa isang panlaping makangalan.

Heto ang isang medyo kumpletong listahan ng mga halimbawa

MGA PANLAPING MAKANGALAN

Ka- kasama

ex kainuman, katrabaho

ka-….-an or ka-…-han: isang ideya o konsepto
Ex: kagandahan, kaalaman, kaunawaan

Pan-: instrumento
Ex: pantulong

“-an” at “-han

1. lugar kung saan masusumpungan maraming mga bagay na tinutukoy ng salitang ugat.

Ex: aklatan, bigasan

2. Ganapan ng isang kilos
Ex: aralan, lutuan

3. Panahon na ang kilos ay nangyayari sa malaking antas
Ex: pistahan, anihan

4. Kilos na ginagawa bilang pagtugon
Ex: barilan, suntukan

5. Malaking antas ng bagay na tinutukoy ng salitang ugat
Ex: duguan

in o hin

1. relasyon
Ex: tiyuhin, inapo

2. Kahugis ng salitang ugat
Ex: sinampalok

ka

1. Bahagi ng isang grupo
Ex: kabayan

2. Kasama sa kilos na isinasaad ng salitang ugat
Ex: kalaro

ka – an

1. Grupo ng mga bagay na tinutukoy ng salitang ugat
Ex: kabahayan

2. Sukdulan ng isang situwasyon
Ex: kainitan

mag

1. Relasyon sa loob ng pamilya
Ex: mag-ama

2. mag– + dinodoble ang unang pantig ng salitang ugat=propesyon
Ex: manggagamot

tag

1. season
Ex: tag-ulan

taga

Trabahador
Ex: tagalinis

Marami talaga ang mga panlaping makangalan. Pero hindi pa tapos ang listahan ng mga panlapi.

MGA PANG-URI

Ang isang importanteng bahagi ng pagsasalita ay ang mga pang-uri.

Ang mga pang-uri ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang pangngalan.

Gaya ng binanggit ko sa post tungkol sa mga pangngalan, ang isang pangngalan ay ang isang salitang tumutukoy sa:

  • Isang persona ex presidente
  • Isang lugar ex kusina
  • Isang ideya o konsepto ex katalinuhan
  • Isang hayop ex aso
  • Isang bagay ex mesa

Ang mga pang-uri ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang pangngalan. Halimbawa ang isang mesa ay may iba’t ibang katangian: may mga mesa na maganda, may mesa na pangit. Sa katulad na paraan may mga tao na pangit, maganda, matalino, bobo etc.

Para bumuo ng isang pang-uri kadalasang ginagamit ang isang panlaping makauri. Mayroon din maraming pang-uri na hindi nangangailangan ng panlapi gaya ng bobo, pangit at marami pa.

Ang iba naman ay nangangailangan ng panlapi tulad halimbawa ang pang-uring mabuti

MGA PANLAPING MAKA-URI

1 ma– pagkakaroon ng katangian na nasa salitang-ugat
Halimbawa: maganda=pagkakaroon ng ganda

2. maka- nagbibigay ng ideya ng pagkiling o pagkahilig sa bagay na nasa salitang-ugat
Halimbawa: makalaman=may hilig para sa mga pagnanasa ng laman

3. maka- nagbibigay ng ideya ng isa na may kakayahang gawin ang nasa salitang-ugat
Halimbawa: makadurug-puso=may kakayahang durugin ang puso

4. mala- nagbibigay ng ideya ng pagiging gaya ng kung ano ang itinatawid ng salitang-ugat
Halimbawa: malasibuyas=gaya ng sibuyas

5. mapag- tumutukoy sa isang ugali
Halimbawa: mapagbiro=may ugali na magbiro

6. mapang~ mapan~ mapam~ isa na regular na gumagawa ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: mapang-away= isa na regular na nagsasangkot ng sarili sa awayan

7. pala- isa na laging gumagawa ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: palaisip=lagi nag-iisip, sobra nag-iisip

8. pang-~ pan-~ pam– tumutukoy sa instrumental na paggamit
Halimbawa: pampatibay=upang patibayin

Ang mga salita na nagsisimula sa pam- ay pwede kapwa ituring pangngalan o pang-uri. Sa halimbawang nasa itaas, kung sinasabi ko “pampatibay na salita” ang pampatibay ay isang pang-uri dahil nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pangngalang “salita”. Kung sasabihin ko “kailangan ko ang isang pampatibay” sa pagkakataong ito ang salitang pampatibay ay ang isang pangngalan.

9.-an~ han pagkakaroon ng katangian na nasa salitang-ugat nang higit sa karaniwang dami, laki o tindi
Halimbawa: duguan=mahilig sa dugo ex duguan ang pag-iisip, marahas na tao

10. in- tulad sa tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: sinampalok=tulad ng sampalok

11. in/-hin katangian ng isa na madaling nagkakaroon ng tinutukoy ng salitang-ugat
Halimbawa: lagnatin=isa na madaling nilalagnat

12. ma- -in/-hin isa na nagtataglay sa malaking antas ng katangian na nasa salitang-ugat
Halimbawa: maawain=may maraming awa