Kung Bakit Walang Saysay ang Hinanakit

Sinabi ng isang sikat na sikologo na si Wayne Dyer na, kung minsan, hindi maiwasan na tayo ay kinakagat ng ahas ngunit hindi tayo mamamatay dahil sa kagat, ang pumapatay ay ang kamandag na patuloy na umaagos sa katawan natin. Kung inaalis natin ang kamandag wala tayong problema.

Bagaman may maraming ahas sa Pilipinas hindi ko nakita kahit isa, bagaman naglakad ako nang maraming beses sa mga bukid at sa gubat (baka pinulutan na sila ng mga tao), at hindi ko naranasan ang kagat ng ahas, subalit nararanasan ko ang “kagat” ng aking asawa nang “medyo” maraming beses, gaya ng karamihan ng mga tao na may asawa.

Sa pag-aasawa hindi talagang maiwasan na paminsan-minsan ay kinakagat ng mag-asawa ang isa’t isa, ngunit pwedeng iwasan na manatili sa ating loob ang “kamandag” o ang hinanakit.

Ibang magandang paliwanag na binasa ko minsan sa isang blog ay na, sa loob ng isang araw, ay mayroon 86,400 na mga segundo.

Kung kinakagat tayo ng ating asawa sa loob, halimbawa, ng 10 segundo, kapaki-pakinabang ba kung ginugugol natin ang natitirang 86,390 na mga segundo sa hinanakit? Hindi ba mas matalino kung gagamitin natin ang natitirang mga segundo sa mas kapaki-pakinabang na paraan?

Kung hinanakit ang pinipili natin, magiging tayo gaya ng isang tao na may 86,400 pesos sa pitaka at, dahil sa may nagnakaw sa kanya ng 10 pesos, umiinit ang kanyang ulo at itinatapon niya ang natitirang 86,390 pesos sa kanal o sa basurahan.

Ito ay kung ano ang nangyayari kung nagbibigay dako tayo sa hinanakit at ayaw natin magpatawad at kalimutan.

Sa loob ng isang araw mayroon 86,400 mahalagang mga segundo: huwag nating pahintulutan ang “kamandag” na sirain ang ating mahalagang oras, minuto at segundo.